Ping Medina nagmakaawa sa publiko, humingi ng pera para sa kanyang birthday
MAGKAKAIBA ang reaksyon na natanggap ng character actor na si Ping Medina matapos manghingi ng donasyon para sa kanyang kaarawan.
Nagdiwang ng kanyang 38th birthday ang aktor noong Biyernes, July 23 at kasunod nga nito ay ang paghingi ng tulong pinansiyal mula sa madlang pipol.
Sa kanyang mahabang Instagram post, inamin ni Ping na dumaan din siya sa matinding pagsubok at kamalasan ngayong panahon ng pandemya kabilang na ang pagkalugi sa negosyo.
Ayon sa anak ng veteran actor na si Pen Medina, hindi niya na-imagine na darating ang araw na siya naman ang “manglilimos” para sa sarili at sa kanyang pamilya.
Ang natitira raw niyang savings ay ginamit niya sa pagiging sabong agent at pagpapautang sa isang kliyente pero hindi pa raw siya binabayaran hanggang ngayon at wala pa ring bumabalik na pera mula sa pinasukang business.
Narito ang ilang bahagi ng mensahe ni Ping: “MY WEIRD BIRTHDAY POST…Friends, I need a huge favor.
“See, I tried being a sabong agent last month. My master agent asked me for money to keep our account going.
“I also had a player who would spend 10k a day so when she asked for an advance I thought she was good for it. They both haven’t paid me. Exact amount is 36k.
“That’s my business’ rent money and 2 months amortized rent for my condo this coming Aug 1. I don’t know when they will pay,” simulang paglalahad ng aktor.
Pagpapatuloy pa niya, “I’ve been doing okay since the pandemic but I ran into a bad streak this year. The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages.
“Customer traffic is starting to normalize but there were 3 months of people not wanting to go out. I needed another source of income.
“Unfortunately, sabong found me. I never gambled before in my life so I didn’t know the effect it has on people. Sadly, I’ve come to witness that it is truly an addiction preying on weak minds,” paliwanag pa niya.
“Thing is, I don’t want to borrow money. I’d rather lose everything then move to Sagada to plant crops.
“I’m totally ready to fulfill my life-long dream of being a meditating forest hermit. Lol.
“But if I’m gonna do that I want to be sure I’ve exhausted all possible means to keep up this lifestyle. I can let go of all this. Lifestyle is not important. Life is,” dagdag pang pahayag ng aktor.
“So now, I’m publicly begging for birthday donations. For me. Doesn’t matter if it’s 1 or 1000 pesos. Please know that you extending a helping hand is the most important gesture here. Today, I am relying on your kindness.
“PS. If we’re both in need, you can greet me in the comments instead! I was planning to do a community pantry from my sabong earnings but alas. Lol. If ever there are excess donations I would gladly use it for that!” ang huling bahagi ng kanyang IG post.
Maraming bumati kay Ping sa comment section ng kanyang mensahe at nagsabing huwag mawalan ng pag-asa at patulong lang na lumaban sa mga pagsubok ng buhay.
May ilan namang netizens ang nabwisit sa post ng aktor at nagsabing napakalakas pa ng katawan niya at batambata pa para mamalimos at manghingi ng pera sa ibang tao.
“Hay naku ang dami pwd gawin jan na pwdng gawing raket.. di mo magwa.. tas manghihingi ka lang ano ka inutil.. kapal naman ng mukha mo.. un ngang may kapansanan nagagwa pang magwork ng matino ikaw pa! Imbes na manghingi ka magbanat ka ng buto!!!” ang komento ng isang IG user.
Sabi ng isa pa, “Lakas ng apog nito, ang lakas mong tao at ngayon manghingi ka? Magtrabaho ka g*g*!”
“Beg for work, not cash donations. Geez. Hope somebody offers you work/job instead,” sey naman ng nainis ding netizen.
Ipinagtanggol naman si Ping ng ilan niyang followers, “Ang nega naman! Grabe andami ngbabanat ng buto pero mahirap parin sila. Please be kind, kung walng mgndang sabhin, keep it to urself na lng.”
“Korek ka jan. D pa cguro nkaranas ng hirap yan. Kung d na tutulong, might as well manahimik, kc d nkakatulong sa taong nangangailangan.”
“Come on guys we can do better than this. It’s true that you have your freedom to say anything you want pero remember we don’t know how powerful our words can be hindi natin alam how will this affect him. Hindi porket artista hindi na pwede maghirap, if you are in doubt then don’t give but please mind our words, kindness is free anyway. God bless our hearts.”
“True, and hnd naman siya namimilit. Kahit piso nga lang daw. Sa dami ng mabubuting nagawa mo sa buhay yung isang maliit na pagkukulang or yung hindi maganda sa paningin ng iba, sobra na kung makapag bitaw ng mga salita.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.