POSTPONED ang grand coronation ng Miss World Philippines 2021 na dapat ay gaganapin ngayong Linggo, July 25, sa Okada Manila.
Ito ay napgdesisyunan matapos maglabas ng anunsyo ang gobyerno na muling isailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions kasama ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro, at Davao del Norte simula July 23 hanggang July 31.
“In compliance with the reimposition of the IATF’s heightened GCQ restrictions, the Miss World Philippines Organization is rescheduling the forthcoming Miss World Philippines coronation night originally scheduled this coming Sunday, July 25, at Okada Manila, to August 8, same venue,” anunsyo ng Miss World Philippines Organization sa kanilang official Facebook page.
Dahil na rin ito sa muling pagtaas ng cases ng COVID-19 pati na rin sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.
Matatandaan na nauna na rin na-reschedule ang coronation night mula sa orihinal nitong plano noong July 11 dahil makakasabay nito ng Binibining Pilipinas.
Ang 45 na kandidata ay maglalaban-laban para sa anim pang titulo, gaya ng Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Environment Philippines, Miss Eco Teen Philippines, at Miss Tourism Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.