John Lloyd nakipagkita kay Carlo Katigbak ng ABS-CBN; Kapuso na nga ba o Kapamilya pa rin? | Bandera

John Lloyd nakipagkita kay Carlo Katigbak ng ABS-CBN; Kapuso na nga ba o Kapamilya pa rin?

Therese Arceo |July 20,2021
facebook
share this

John Lloyd nakipagkita kay Carlo Katigbak ng ABS-CBN; Kapuso na nga ba o Kapamilya pa rin?

Therese Arceo - July 20, 2021 - 03:42 PM

Photo from Marilen Nunez

MARAMING ispekulasyon ang naglabasan matapos makipagkita si John Lloyd Cruz kay ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo L. Katigbak.

Kasama ni John Lloyd sa meeting si Marilen Nuñez, kanyang manager na siyang nag-post sa kanyang Instagram story ng litrato kasama ang dalawa.

Isa si Marilen Nuñez sa mga kasama ni Maja Salvador sa pamamalakad ng Crown Artist Management na siyang nagma-manage kay John Lloyd ngayon.

Maraming netizens ang nagtatanong kung may proyekto nga bang pinaplano si JLC kasama ang Kapamilya patapos ang matagal na pamamahinga sa showbiz.

May ilan naman na tila nalilito kung Kapuso nga ba siya o nananatiling Kapamilya.

Matatandaan na nagkaroon ang aktor ng showbiz comeback nitong nakaraang buwan sa GMA-7.

Ito ay noong inimbitahan siya ni Willie Revillame na mag-guest sa kaniyang live TV event para sa isang online shopping app. Inanunsiyo rin nito ang pagkakaroon ng sit-com kasama ang aktor.

Matapos nga ng guesting ay nagkaroon rin ng meeting si John Lloyd kasama ang GMA Executives na sina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan.

Matatandaan na halos pumirma na 20 years ago ang aktor sa Kapuso network pero hindi ito natuloy dahil sa “legal obstacle.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending