Hugot ni Andrea: Kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo! | Bandera

Hugot ni Andrea: Kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo!

Ervin Santiago |July 19,2021
facebook
share this

Hugot ni Andrea: Kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo!

Ervin Santiago - July 19, 2021 - 08:55 AM

“KUNG ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo!” Yan ang paniniwala ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres pagdating sa pagkakaroon ng maganda at inspiring na buhay.

Sa kabila ng kontrobersyal na paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay, naniniwala pa rin ang dalaga sa true love. Mukhang hindi naman siya na-trauma sa naging experience niya kay Derek.

Sa nakaraang virtual mediacon ng GMA para sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa network, natanong ang aktres kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso.

“Super happy” ang tugon ni Andrea, “Kasi super busy po ngayong year. Hiniling ko rin naman talaga, so na-excite po ako. Na-excite ako sa mga gagawin ko this year.”

Maraming single lady ang talagang na-inspire sa kanya dahil naipakita niya sa buong mundo ang kanyang katapangan at positibong disposisyon sa buhay kahit na nga muli siyang minalas sa pag-ibig.

“Natutuwa naman po ako, nata-touch po ako na nakikita nila yung side ko na yun. Nata-touch po ako na nakita nila yung side na yun.

“Parang mas nakilala nila ko as a person, kung paano ako. Natutuwa rin po ako kapag may nakikita akong nagsi-share sila ng mga buhay nila sa akin. Parang pinagkakatiwalaan nila ako.

“Sinasabi nila, kung paano ko raw sila matutulungan. Pero nahihiya rin ako kasi, feeling ko, hindi naman ako expert or anything,” pahayag ng dalaga na mapapanood na uli sa upcoming Kapusp series na “Legal Wives” kasama si Dennis Trillo.

Sa tanong naman kung ano ang maipapayo niya sa mga taong nabigo at nawasak din ang puso nang dahil sa pag-ibig, “Ako naman kasi, very madasalin lang naman ako. And yun lang, ang lagi lang nasa isip ko, parang kung ano yung pinaka-positive na way.

“Kasi, naniniwala lang ako na kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo.

“So, kung magbibigay ka ng positive na reaction sa isang bagay, kahit na yung bagay na yun e, taliwas sa gusto mong mangyari, babalik yun sa ‘yo na in favor, kasi nga, yung nilalabas mo puro positive lang,” sabi ng dalaga.

Sa isang panayam naman, nabanggit ni Andrea na nakikipag-date naman siya ngayon at nais daw muna niya itong kilalaning mabuti bago pumasok sa panibagong relasyon.

Natanong din siya kung naisip ba niyang iwan ang GMA at lumipat sa ibang istasyon, “Ako, honestly, hindi talaga. Kasi, grabe yung ibinibigay nila sa aking pag-aalaga and guidance.

“And minsan nga, hindi na yun kasama sa trabaho nila bilang boss or bilang network, pero ibinibigay pa rin nila sa ‘yo. Kaya rin siguro du’n nanggagaling yung parang mas nagiging humble ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi nga, may mga bagay na grabe, ginagawa pa nila for you kahit na sa tutuusin, pwedeng hindi na,” sabi pa ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending