Wil Dasovich, wagi sa international vlog fest Bandera

Wil Dasovich, wagi sa international vlog fest

Therese Arceo |July 17,2021
share this

Wil Dasovich, wagi sa international vlog fest

Therese Arceo July 17,2021 - 11:19 AM

“WE did it! We won the VlogFest plus $30,000. First award I’ve ever got that came with a bag, how generous.”

Ito ang masayang anunsyo ng ex-PBB housemate at sikat na vlogger na si Wil Dasovich sa kanyang pagkapanalo sa international vlogfest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Kasama ang kapatid na si Hailey at Daniel Marsh na kapwa vloggers, lumipad sila papuntang Malta para sa kanilang vlogfest entry.

“This entire Eurotrip has been one of the most incredible travels of my life. And to be honest, before heading on this trip, I’d barely even heard of Malta! But after weeks on this island, I can definitely say it’s one of the most unique countries I’ve been to, and Valletta is on my top 5 must-see cities in the world,” dagdag pa niya.

Laking pasasalamat rin ng binata dahil nagkaroon siya ng chance na makasama dito at proud siya sa lahat ng naging bahagi ng kompetisyong ito.

Bukod rito, nagpapasalamat rin siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya na naging daan para sa kanyang pagkapanalo.

“Thank you to everyone who voted, shared my video, became a part of this entire winning process. You contributed to this moment and we did this as a team!”

Hinihikayat naman ng binata na panoorin at suportahan rin ng madlang pipol ang iba pang mga video entries ng mga vloggers na kasama niya sa international vlogfest.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending