Miriam Quiambao isinilang na ang kanyang miracle baby sa edad 46: Thank you for your prayers! | Bandera

Miriam Quiambao isinilang na ang kanyang miracle baby sa edad 46: Thank you for your prayers!

Ervin Santiago |July 14,2021
facebook
share this

Miriam Quiambao isinilang na ang kanyang miracle baby sa edad 46: Thank you for your prayers!

Ervin Santiago - July 14, 2021 - 03:23 PM

ISINILANG na ni Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao ang ikalawang anak nila ng asawang inspirational speaker na si Ardy Roberto.

Nitong Lunes ng gabi, July 12, nang ipanganak ng aktres at TV host ang second baby nila na tinagurian nilang isang “miracle baby”.

Pinangalanan nila ang kanilang baby boy na si Ezekiel Isiah “Ziki” Roberto, base na rin sa Instagram post ni Miriam.

Kalakip ang larawan ng kanyang mag-ama ito ang inilagay na mensahe ng dating beauty queen, “Good morning! Thank you for your prayers!

“We are delighted to announce that our miracle baby Ezekial Isaiah ‘Ziki’ Quiambao-Roberto was born at 37 weeks and 1 day on July 12, 2021 at 6:06 pm weighting 7lbs 1oz with a length of 50 cm and APGAR Score of 9/9!! Glory to God!”

Aniya pa, “Thank you to all of you who prayed and journeyed with us this far. Do keep us in your prayers as we transition into a new season of our family life.” 

Kung matatandaan, noong December, 2020 ibinandera nina Miriam at Ardy na magkakaroon na uli sila ng baby. Ayon kay Miriam, kakaibang journey din ang pinagdaanan niya sa kanyang pagbubuntis sa edad na 46.

“It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infertility for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband said, it’s like lightning striking twice!” pahayag ni Miriam sa isa niyang IG post nang malamang buntis uli siya.

Isinilang ni Miriam ang una nilang anak ni Ardy na si Elijah noong Feb. 16, 2019. Apat na taon din ang kanilang hinintay bago biyayaan ng anak. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending