Lara Maigue, Gian Magdangal, Davey Langit, Aikee pasok na sa Star Magic; maraming bonggang pasabog | Bandera

Lara Maigue, Gian Magdangal, Davey Langit, Aikee pasok na sa Star Magic; maraming bonggang pasabog

Ervin Santiago - July 11, 2021 - 03:47 PM

SIGURADONG maraming gagawing pasabog ang pagsasanib-puwersa ng Star Music, Polaris at ang A Team, na pinamamahalaan ng multi-awarded singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Abangan ang mga bonggang projects ng mga pambatong performers at host ng Star Magic sa mga susunod na araw, kabilang na riyan ang mga pumirma ng kontrata sa ginanap na Star Magic Black Pen Day event kamakailan.

Sa pamumuno nga ni Ogie, ang A-Team talents ay bahagi na rin ng Star Magic kaya ang kasunod nga nito ay ang mas marami pang malalaking produksiyon, creative music, at different kinds of genre.

Kabilang nga sa mga dapat n’yong abangan ay si Poppert Bernadas na unang nakilala sa teatro kung saan naging bahagi siya ng mga kilalang plays tulad ng “Rak of Aegis”.

Ang nasabing play ang naging daan para subukang mag-audition para sa “The Voice of the Philippines”. Sa kanyang long list of achievements, isa si Poppert sa naging miyembro ng The Ryan Cayabyab Singers sa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab. 

Pambato rin ni Poppert ang kanyang galing sa pag-arte kaya hindi nakapagtataka na mapabilang siya sa ilang mga Kapamilya shows na “Starla” at “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Nandiyan din si Moira Lacambra na itinuturing na isang malaking blessing ang pagpirma sa Star Magic. Ang promising A-Team member na ito ay nagmula sa pamilya ng mga musicians at pamangkin ng ethnic singer and musician na si Joey Ayala.

Sa murang edad na 13 unang nag-perform si Moira at pormal na nag-aral ng voice training. Maswerte siya dahil nakapagrelease siya ng kanyang sariling single na “First Date” noong siya ay 16 pa lamang. 

Inaasahan ng Business Administration graduate na mas lalo pang maipakita ang kanyang talento sa music industry, at mabigyan ng opportunity na maibahagi niya ang kanyang talento abroad.

Pasok din sa Star Magic ang singer na si Lara Maigue. Kung may isang salita para mailarawan ang dalaga, ito ay kanyang pagiging passionate. 

Passionate siya sa kanyang kanta, pag-perform, at ngayon, ang pagluluto. Naging bahagi siya ng singing group na Opera Belles, under Sony Entertainment. Naging finalist sa PhilPop Music Festival at nadiskubre siya para sa lead role sa isang musical teleserye noong 2011. 

Parehong taon na iyon ay nadiskubre siya ni Ogie bilang kauna-unahang talent sa kanyang agency. Mula 2013, siya ay naiimbita sa mga shows around the world bilang soprano classical singer at stage work sa mga theater at opera. Umaasa ang singer-songwriter na makasama sa iisang stage ang one and only Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ang pagiging bahagi ng Star Magic, bukod sa A-Team, ay parang full circle naman para kay Davey Langit. Ang kanyang unang big break ay nag-umpisa nang maging parte siya ng ABS-CBN songwriting na “Pinoy Dream Academy” noong 2006, ito ay nagbigay sa kanya na maging bahagi ng premier talent management ng network. 

Sa maraming taon na pagsali niya sa maraming songwriting competitions, nahasa ang kanyang kakayahan at matupad ang kanyang mga pangarap. 

Ang quarantine period ay naging productive para sa kanya na magfocus sa kanyang improvement sa pagkanta, pagtugtog ng gitara, pagsulat ng kanta, producing at studio work.

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Krystle nang malaman ang magandang balita na bahagi na siya ng Star Magic. 

Labis ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap dahil ang iba sa kanyang mga nakasama noon na sina KZ Tandingan at Iñigo Pascual ay Kapamilya na niya sa Star Magic. 

Mula sa kanyang unang gig sa Valentine’s show sa isang global coffee chain sa Manila noong 2014, malaki ang nabago sa career ng A-Team member na ito na kumanta sa mga commercials at swerte siya na makuha sa isang fast food “hugot” commercial na nagviral di kalaunan. 

Looking forward si Krystle sa exciting collaboration kasama ang iba pang magagaling na singers.

Isa namang wonder kid na maituturing si Aikee, ngayong miyembro na siya ng A-Team na nagsisimula pa lamang ngayon. Siya ay nagsimula bilang isang rap artist noong siya ay 6 years old, at para matupad iyon, isa siya sa mga batang rappers na nagawang maglabas ng kanilang album.

Kabilang na rito ang 2013 hit song na “Dota o Ako” at sumali at manalo sa mga songwriting competitions gaya ng “Himig Handog 2017” para sa kantang “Extensyon” at “Himig Handog 2019” para naman sa kantang “Please Lang”, na parehong nanalo bilang Best 3rd Song title awards. 

Grand Winner din siya sa “Philpop 2020” competition para sa kantang “Bestiny”. Marami pang pangarap si Aike at kabilang dito ay ang makapagsulat ng isang official soundtrack sa isang soap o pelikula, at maipakita ng kanyang acting skills.

Sa ngayon ay proud si Anthony Barion sa dalawang bagay, maging bahagi ng Star Magic at sa wakas ay matupad ang kanyang mga pangarap. 

Bukod sa kanyang A Team family, Isang bagay na lubos niyang pinasasalamatan ay mapabilang sa kanyang bagong talent management. 

Nagsimula siya sa simpleng streaming sa KUMU at naging daan para madiscover siya ng A-Team. Bukod sa kanyang talento, dala ni Anthony ang positive work ethics sa show business, dahil mahigpit ang kumpetensya sa industriya. 

Dahil sa kanyang pagsisikap at right attitude, umaasa si Anthony na mas maging mahusay na host at makatrabaho si Robi Domingo. Nais rin niyang subukan ang pag-arte on camera at makatrabaho ang mga Kapamilya stars.

Nakilala naman si Gian Magdangal  bilang isa sa mga elite set of artists at A-Team member, at mas lalo pang lumaki ang kanyang pamilya bilang isa na ring Star Magic artist. 

Kahit na gumawa na siya ng pangalan sa theater industry, binasag ni Gian ang mainstream industry nang manalong runner up sa “Philippine Idol” noong 2006. Mula noon, siya ay nakita sa ilang variety shows at teleserye. 

Pero ang interesting sa kanyang colorful career ay naging performer siya sa mga international theme parks sa Hong Kong at Japan. Dahil sa pandemya, kinailangan niyang umuwi at ipagpatuloy ang kanyang passion sa pagproduce ng sarili niyang kanta at performance sa bansa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa hinaharap, pangarap niya na maging first lead role sa isang soap at makatrabaho ang ilan sa mga magagaling na mga artista sa showbiz gaya nina Jodi Sta. Maria at Judy Ann Santos, at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending