Promise ni Joem Bascon, hinding-hindi lalayasan ang ABS-CBN Bandera

Promise ni Joem Bascon, hinding-hindi lalayasan ang ABS-CBN

Reggee Bonoan |July 06,2021
share this

Promise ni Joem Bascon, hinding-hindi lalayasan ang ABS-CBN

Reggee Bonoan July 06, 2021 - 05:12 PM

PANGAKO ni Joem Bascon sa sarili, mananatili siyang Kapamilya at hindi niya iiwan ang network na malaki ang nagawa sa karera niya bukod pa sa maganda naman ang trato sa kanya.

Kahit pa nga madalang ang projects niya sa ABS-CBN ay okay lang daw sa kanya, “willing to wait” naman daw si Joem kung kailan siya mabibigyan uli ng trabaho.

“Yes, masasabi ko po. They’re taking care of me, hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutan kausapin kapag may problema,” sambit ng aktor.

Sa face to face presscon ng pelikulang “The Other Wife” ay hiningan ng reaksyon si Joem kung ano ang masasabi niya na ang ilang Kapamilya stars ay lumipat na ibang TV network.

“Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network bakit po hindi basta makipag-usap sila, magpaalam sila nang tama,” katwiran ng aktor.

Ano naman ang masasabi niya kapag bina-bash ang mga Kapamilya stars sa kanilang paglipat.

“E, kasi tao lahat ng artista kung kailangan nila ng trabaho at wala naman silang proyekto (sa Kapamilya network) tulad nga po ng sabi ko dapat makipag-usap at magpaalam nang tama sa mga boss, sa mga nakakataas,” diin ni Joem.

Samantala, sobrang daring ang mga eksena nina Joem at Lovi Poe sa “The Other Wife” kasama rin si Rhen Escano na idinirek ni Prime Cruz.

Aminado ang aktor na nu’ng nag-usap sila ng manager niya sa Star Magic kung anong career ang gusto niyang tahakin ay nabanggit niyang gusto niyang gumawa nang gumawa ng pelikula.

“Sabi ko po sa manager ko (Allan Real) gusto kong gumawa ng pelikula na iba-iba ang karakter, iba’t iba ang genre at personalidad.  Ayun po nagtuluy-tuloy bilang character actor at siguro napansin po ako ng Viva.

“Binigyan ako ng Viva ng chance to be a lead sa pelikulang ito (The Other Wife), siguro po unti-unti.  Gagawa ako ng mga pelikulang nakaka-entertain sa tao,” pahayag ng aktor.

Ang ibig sabihin marahil ni Joem ay kailangan niyang mag-double time habang may offer dahil nga may anak na sila ni Meryll Soriano at bilang padre de pamilya ay kailangan niyang paghandaan ang future nila.

Anyway, nakapag-usap na raw sina Joem at lolo ng anak niyang si Guido na si Willie Revillame at madalas naman silang magkita ng “Wowowin” host kapag dumadalaw sila ni Meryll kasama ang anak nila.

Sa tanong kung anong galanteng regalo ni Willie sa apo, “Pagmamahal kasi nakikita namin ‘yung saya niya habang kasama niya (si Guido).”

At bilang ama ay ini-enjoy ni Joem ang anak na pinanggigigilan niya kapag may mga bagong natututunan, “Sobrang sweet na bata, sobrang lapit sa nanay, sobrang lapit sa lolo, sobrang lapit sa kuya kaya I’m happy na it’a a blessing na ibinigay sa amin.”

Anyway, abangan ang “The Other Wife” sa July 16, sa global premiere nito sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending