Relasyon ni Maris kay Rico tanggap ng pamilya: Naintindihan naman nila...ang gaan sa pakiramdam | Bandera

Relasyon ni Maris kay Rico tanggap ng pamilya: Naintindihan naman nila…ang gaan sa pakiramdam

Ervin Santiago |July 01,2021
facebook
share this

Relasyon ni Maris kay Rico tanggap ng pamilya: Naintindihan naman nila…ang gaan sa pakiramdam

Ervin Santiago - July 01, 2021 - 09:21 AM

“AKALA ko maraming magagalit pero baligtad yung nangyari.” Ito ang masayang pahayag ni Maris Racal patungkol sa pag-amin nila ni Rico Blanco sa tunay nilang relasyon.

Ayon sa Kapamilya young actress at singer, talagang ingat na ingat siya noon sa pagsagot sa mga tanong about Rico dahil baka raw magkamali siya at mabuking ang katotohanan.

Aniya, mabuti na rin daw na umamin sila ng OPM singer-songwriter dahil mas nae-express na niya ngayon sa publiko ang tunay niyang nararamdaman.

“Para sa akin magaan na sa pakiramdam kasi may mga times before na I try to avoid saying too much, or talking about him too much. Kasi alam mo yon,  baka mahuli ako, so parang ganu’n. Now, parang magaan sa feeling,” pahayag ni Maris sa isang panayam.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng nagpahayag ng positibong mensahe para sa relasyon nila ni Rico kahit pa nga 25 years ang agwat ng kanilang edad — 23 ngayon si Maris habang 48 naman si Rico.

“I think, yung reaksyon ng tao and yung support  nila for us is very overwhelming and I really did not expect. Kasi akala ko maraming magagalit pero baligtad yung nangyari,” sey ng dalaga.

Sa tanong kung nao-offend ba siya kapag may mga nangnenega sa pagmamahal nila ni Rico at ginagawag isyu ang age gap nila, “I don’t know, opinion naman nila yun, eh.

“Maybe in their world isyu yung age gap sa relationship but we’re okey naman sa kahit anong comments, hindi kami naba-bother,” sagot ni Maris.

Dagdag pa ng dalaga, “Oo, siyempre, mas marami na siyang na-experience sa life, but I can’t say na siya talaga yung guide ko kasi minsan ako rin. Ha-hahaha! Para lang talaga siyang normal relationship na gina-guide n’yo ang isa’t isa.

“But of course with his experience sa career, sa music, he can really help me to decide kung ano yung maganda for my mental health, my personal life or career, ganu’n po,” aniya pa.

Ano naman ang naging reaksyon ng pamilya niya, lalo na ng kanyang nanay sa relasyon nila ni Rico?  “Una talaga siya sa sinabihan ko. Siya ang una sa listahan kasi medyo hindi stereotypical yung relationship namin ni Rico. Surprisingly naintindihan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman na siyang ibang sinabi, as in inintindi niya na lang. Parang wala lang, hindi siya naging big deal sa conversation sa family,” paliwanang pa ni Maris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending