Jennica tinawag na losyang, pero hindi nagalit sa basher: Walang taong pangit | Bandera

Jennica tinawag na losyang, pero hindi nagalit sa basher: Walang taong pangit

Ervin Santiago - June 28, 2021 - 12:28 PM

SA halip na ma-offend at magtatalak matapos siyang tawaging losyang ng isang basher, inintindi na lamang ni Jennica Garcia ang pinanggagalingan ng netizen.

Pinakiusapan pa nga niya ang kanyang fans at social media followers na huwag na itong patulan para hindi na humaba pa ang issue.

Nag-post kasi ang aktres sa  Instagram ng apat niyang litrato na aniya’y mga test shot para sa kanyang online interview. Pinili raw niya rito ang “true self” shot para mas natural ang rehistro sa camera.

Caption ng aktres, “SWIPE LEFT!!! I TAKE TEST SHOTS ON TIMER MODE TO SEE HOW I LOOK LIKE BEFORE AN ONLINE INTERVIEW:

“PIC 1: Hair Down?

“PIC 2: Hair Up?

“PIC 3: itsura ko tuwing swab test

“PIC 4: TRUE SELF.

“END CHOICE every single time: True self.”

Aniya pa, baka daw kaya siya naging single uli ay dahil sa kanyang pagpapakatotoo sa buhay, “Juice qu kaya ka singgol. Bilib na sila, binawi mo naman. Sa totoo lang tayo. I love you mga mamsh!”

Hiwalay na si Jennica sa asawang si Alwyn Uytingco pero nasa pangangalaga niya ang dalawa nilang anak na babae.

Sa comment section ng IG post ng aktres, may netizen na nagsabing, “Ganyan dapat feel fresh…. Losyang kana kc dati e.”

Ipinagtanggol naman siya ng kanyang followers at kinuyog ang basher. Pero nakiusap nga si Jennica sa mga ito na huwag nang pagsalitaan ng masama ang netizen.

“Mga mameh thank you appreciate ko kayo, okay na ha? Gawa ng marami tayo baka malungkot po siya o ma ano, anxiety.

“Ayos na ayos lang ako. Naiintindihan ko si Ma’am, naiintindihan ko rin po kayo kung bakit niyo po siya sinagot. Salamat po ulit sa inyo. Blessing kayo sa kin mga mameh,” pahayag ng celebrity mom.

Sabi pa niya sa basher, “Ate, okay tayo wag po ka mag alala. Lunch na tayo guys. Love youuu all.”

Nag-post muli si Jennica ng mensahe para sa mga nagpadala sa kanya ng mga positive comments. Aniya, “Uy mga mameh, yung goal ko mapatawa kayo, mga comments niyo puro appreciation, gulat naman ako.

“Pag may pinagdaanan tayo na masakit ayos lang mag bida bida. Pampataas ng self esteem ba.

“Pero wag natin hayaan mawala yung true self natin. Yung confident pa rin tayo sa mga moments na di tayo kagandahan.

“Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. WALANG TAONG PANGIT.

“Sobrang mahal ko kayo. Na appreciate ko talaga kayo. Di ko lang kayo ma sagot lahat pero mahal ko kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito niyayakap kita ngayon!!! Kaya mo yan, ikaw pa ba?! I love you!!! (red heart emoji),” lahad pa ng aktres na malapit na uling mapanood sa isang bagong teleserye ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending