Carlo sa lock-in taping: Walang preparation para iwan mo ang anak mo...sobrang hirap! | Bandera

Carlo sa lock-in taping: Walang preparation para iwan mo ang anak mo…sobrang hirap!

Ervin Santiago - June 27, 2021 - 06:20 PM

KINAILANGANG magtrabaho at magsakripisyo ngayong panahon ng pandemya ang actor-singer na si Carlo Aquino para sa kanyang pamilya.

Kahit patuloy pa rin ang banta ng pandemya, tinanggap ni Carlo ang hamon ng lock-in taping para sa teleseryeng “La Vida Lena” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Inamin ni Carlo na ang pag-alis niya ng bahay at iwan ang nine-month-old daughter niyang si Enola Mithi ang isa sa pinakamahirap na desisyon at sakripisyo na ginawa niya.

“Walang preparation para iwanan mo yung anak mo, yung pamilya mo. Kahit for a few weeks lang sobrang hirap. Lalo na yung mga baby na ganyan, sobrang bilis lumaki.

“Hindi mo makikita yung unang labas ng ngipin, yung nag-crawl, yung first roll over niya.

“So lahat naka-video lang yun, pinapadala sa akin. Katulad ngayon, nag-la-lock-in ulit ako, every alis mo talaga may nawawala sa ‘yo. Masakit talaga.

“Pero wala tayong magagawa. Ito yung protocols. Hindi pa puwede makihalubilo wala sa bubble so susunod ka na lang. And work is work,” pahayag ni Carlo sa nakaraang digital presscon ng “La Vida Lena.”

Nagpasalamat din ang award-winning actor sa ABS-CBN dahil sa kabila ng mga challenges na hinarap ng network ay patuloy pa rin itong nagbibigay ng trabaho sa mga taga-industriya ng telebisyon at pelikula.

“I’m grateful to ABS-CBN and sa mga opportunities na binibigay nila pero in life kasi we all know na dapat never ka maging complacent. So dapat lagi kang nag-gu-grow. At saka malaking bagay yung may gratitude talaga.

“At saka nakakatuwa na nag-sa-sign sila ng mga new artists at saka nakakabalik na yung dating na-retrench. Isa lang ang ibig sabihin nun, na medyo nakakablik na ang ABS-CBN. So masaya din kami for ABS,” lahad ni Carlo.

Super thankful din siya sa Star Magic dahil napakalaki ng nai-contribute ng talent management sa kanyang personal growth, lalo na sa kanyang pagkatao.

“Unang-una nag-start ako nine years old so more than two decades na ako with Star Magic.

“Ever since then  yung pag-hone ng skills ko tapos tinuruan nila akong maging professional and responsible sa work. Siyempre sa buhay din. Yun yung mga natutunan ko sa kanila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “La Vida Lena” sa TVplus, A2Z at TV5 simula bukas, June 28, at 10 p.m. Maaari rin itong abangan sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at sa IPTV para sa mga viewers outside the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending