Ella Cruz nagpakatotoo: Isa siguro ako sa unang humusga kay Direk Darryl | Bandera

Ella Cruz nagpakatotoo: Isa siguro ako sa unang humusga kay Direk Darryl

Ervin Santiago |June 28,2021
facebook
share this

Ella Cruz nagpakatotoo: Isa siguro ako sa unang humusga kay Direk Darryl

Ervin Santiago - June 28, 2021 - 04:13 PM

AMINADO ang tinaguriang Millenial Dance Princess na si Ella Cruz na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang pelikulang “Gluta” ng Viva Films.

Nagpakatotoo ang dalaga sa pagsasabing na-judge rin niya noon ang writer at direktor ng movie na si Darryl Yap dahil sa mga kontrobersyal niyang pelikula pati na sa mga nababasa niya sa social media. 

Nakachikahan namin si Ella sa first ever face-to-face mediacon ng Viva Films para sa “Gluta” kasama ang iba pang members ng press mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Isa sa mga naitanong kay Ella ay ang naging experience niya kay Direk Darryl, “Alam n’yo nakakatawa, isa siguro ako sa unang humusga kay Direk Darryl through his works.”

Nu’ng una nga raw ay nag-alinlangan siyang tatangapin ang “Gluta” dahil kay Direk Darryl. 

Dito, inanin din ng aktres na tinanggihan niya ang isa pang pelikula ng direktor, ang “Paglaki Ko Gusto ko Maging Pornstar” na pinagbibidahan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina.

“Naalala ko po nu’n kasi tinext ako ni Boss Vic (del Rosario). Sabi n’ya, ‘Meron akong ibibigay na movie sa’yo. Sana tanggapin mo. Kay Direk Darryl ‘to.

“Sabi ko talaga, ‘Oh my gosh! Ano ‘to?’ Kasi naalala ko in-offer sa akin ‘yong Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar. In-offer sa akin ‘yon tapos tumambling siguro ako mga 800 times. Kasi hindi ko kinaya title pa lang. Hindi ko na binasa ‘yong script,” natatawang chika ni Ella.

Aniya pa, “Pinag-pray ko talaga na, ‘God, sana naman ang offer na movie hindi ganu’ng level.’ Kasi ano na talaga, unang word pa lang, ‘no’ na ang sagot ko. 

“Nu’ng nagkaroon kami ng Zoom meeting with Direk Darryl, in-explain n’ya, ikinuwento n’ya ‘yung pelikula. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.

“Sabi ko talaga, ‘Direk, kailan natin ‘to isu-shoot? Hindi na ako magpapaalam. Hindi na ako hihingi ng approval ni Mama. Yes na talaga ako for this film. Kailan (isu-shoot)?’ 

“Dahil siguro sa ganda ng message nu’ng pelikula and iba sa mga gawa ni Direk Darryl, doon talaga ako napa-yes sa movie itself,” aniya pa.

Patuloy pa ng dalaga, “Nu’ng nag-Zoom kami in-expect ko na ganu’n siya pero surprisingly, kahit nu’ng nasa shoot po, sobrang kabaliktaran siya ng lahat ng panghuhusga ng mga tao sa social media.

“Sobrang bait n’ya po. Sobrang chill n’ya. Nakikinig s’ya sa mga tao. Nakikita ko ‘yong dedication n’ya to share his stories in a realistic way, in a hubad-na-katotohanan way.

“So nu’ng nagsu-shoot po kami never ko na-experience na nagalit siya. Kahit sa mga staff hindi s’ya nagalit. Nakakatawa kasi ‘yung staff ‘yung stressed. ‘Yung staff ‘yung medyo naninigaw pero siya ‘yung, ‘Bakit kayong lahat stressed?’” kuwento pa ni Ella.

“Sobrang thankful ako na nakilala ko kung sino talaga si Direk Darryl, not through his works pero kung sino talaga s’ya sa personal. 

“Lagi ko talagang inaamin na, ‘Direk, isa ako sa mga humusga sa’yo pero ngayon sobrang blessed ako na nakilala kita kasi mabuti kang tao. Meron ka talagang good intention sa lahat ng ginagawa mo,’” sey pa ng dalaga. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na ang “Gluta” simula sa July 2 sa streaming app na Vivamax. Makakasama rin dito sina Marco Gallo, Juliana Pariscova Segovia, Rose Van Ginkel at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending