Ken, Rita, Bitoy, Boobay binalikan ang pakikipaglaban sa COVID-19: Walang susuko, laban lang! | Bandera

Ken, Rita, Bitoy, Boobay binalikan ang pakikipaglaban sa COVID-19: Walang susuko, laban lang!

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 09:03 AM

NAGBAHAGI ng kani-kanilang karanasan sa publiko ang ilang Kapuso stars na tinamaan at naka-survive mula sa killer virus na COVID-19.

Bilang tribute sa lahat ng COVID-19 patients at survivors pati na rin sa mga bayaning frontliners, isang segment ang inialay para sa kanila ng programang “All-Out Sundays” ng GMA. 

Kabilang na nga rito ang pagse-share ng mga Kapuso stars na mga COVID-19 survivors sa naging experience nila sa pakikipaglaban sa mapaminsalang virus.

Una ngang nagbahagi ng kanilang kuwento ang lead stars ng bagong Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw” na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ani Ken, “Kailangan mo talagang seryosohin sa lahat ng oras ‘yung proteksyon sa sarili. Sandali lang na makalimot ka, hindi lang ikaw ‘yung puwedeng magkasakit. 

“Ito na siguro ‘yung pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko. Lahat kami sa bahay nagkaroon ng COVID. 

“Wala kang choice kung hindi harapin ito ng buong tapang. Kailangan magpakatatag, dahil kapag sumuko ka parang sinuko mo na rin ‘yung chance na gumaling ‘yung mga mahal mo sa buhay,” pahayag pa ng binata.

Dagdag pa ng aktor, “Sa kabila ng mga nangyari nagsilbi itong aral sa aming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap kailangan mong pagtuunan ng pansin.”

Para naman kay Rita, dasal talaga ang matinding ipinanglaban niya sa virus, “Of course, natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers. Then it becomes the people that you know. Then one day, ikaw, meron ka na rin.

“Mahirap siyang tanggapin when you do everything to take care of yourself pero dinapuan ka pa rin,” pahayag ng dalaga.

Paalala naman niya sa publiko, “COVID is real. Si God lang talaga puwede mong kapitan e. I prayed hard for myself and my family. Every morning I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed.”

Kapuso comedian Michael V. had the coronavirus back in 2020. He recalled going through a lot of frustration and confusion with the relatively new virus. “When I had it, ito ‘yung time na wala pa halos linaw kung ano ‘yung COVID. Ang alam lang natin madali siyang kuamalat sa mga napapanood natin.”

Isa pa sa nagbahagi ng kanyang COVID story ay ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay, “Nu’ng nalaman ko na nag-positive ako, inisip ko na lang sa tindi ng mga pinagdaanan ko before, hindi itong COVID ‘yung magpapabagsak sa akin.

“At sinabi ko sa sarili ko from the very start na kakayanin ko ito. May mga panahon talaga na mag-aalala ka, ilang beses na rin akong nakaramdam ng stress, na ang daming negative sa pumapasok sa utak ko.

“Sinabi ko sa sarili ko na marami pa akong gustong maabot at may pamilya akong umaasa sa akin. Kaya bakit ako magiging mahina at magpapatalo? 

“Iniisip ko na lang ‘yung mga pagsubok na napanalo ko na dati, para mas mabilis akong maka-recover. I’m so thankful that I was able to conquer it,” aniya pa.

Para naman kay Michael V. na isa sa mga celebrities na unang tinamaan ng killer virus, “Ang pinakamahirap sa akin is ‘yung isolation. Padre de pamilya ako ‘e ako ‘yung dapat nagpoprotekta sa kanila. Para sa isang tatay, ‘yun ang pinakamasakit at kailangan mo ‘yung labanan para sa kanila.”

Hinding-hindi rin makakalimutan ni Rhian Ramos ang naging experience nila ng kanyang handler sa pakikipaglaban sa COVID matapos silang mahawa nang sabay.

“Ito talaga ‘yung mga panahon na kailangan mo suporta ng pamilya mo. Kami ng handler ko, sabay kaming nag-positive. 

“Somehow kami ‘yung naging support system ng isa’t isa. May mga good days at may mga bad days. We helped give each other strength,” sabi ni Rhian.

Samantala, mainit ang naging pagtanggap ng Kapuso viewers sa pagsisimula kahapon ng bagong serye sa Afternoon Prime nina Rita at Ken na “Ang Dalawang Ikaw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang inabangan ng kanilang fans ang pilot nito kaya naman talagang naging hot topic ito sa social media. Magaganda at puro positibo rin ang feedback ng viewers sa unang pasabong ng serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending