Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father | Bandera

Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father

Ervin Santiago |June 21,2021
facebook
share this

Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father

Ervin Santiago - June 21, 2021 - 01:29 PM

TODO ang pasasalamat ng Kapamilya actress na si Janella Salvador sa parter niyang si Markus Paterson dahil sa pagiging hands-on daddy nito.

Isang madamdaming appreciation post ang ibinahagi ni Janella para kay Markus bilang bahagi ng pagse- celebrate nila ng Father’s Day kahapon.

Sa kanyang Instagram account, inalala pa ng celebrity mommy ang araw kung saan kinailangang bumalik ang aktor sa Pilipinas para sa natanguang trabaho.

Nangyari raw ito isang linggo matapos niyang ipanganak sa United Kingdom ang panganay nilang si Jude Trevor. Kaya naman ramdam na ramdam niya ang pangungulila ng aktor nu’ng iwan silang mag-ina.

“October 29, 2020: About a week after Jude was born, you had to fly back home to the Philippines alone and leave us for a month to shoot for a film,” ang simulang pahayag ni Janella sa caption ng kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “We brought you to the airport and as soon as we arrived, I saw the extreme sadness in your eyes. I actually cried during the car ride home without you. 

“It felt surreal, you having to leave your son right after he was born. But you did it for him. You always do,” mensahe pa ng aktres para sa tatay ng kanyang anak.

Kasunod nito, pinuri ni Janella si Markus sa pagiging “hardworking” at “hands-on” tatay kay Baby Jude.

“Thank you for being the most amazing, hard-working, present and hands-on father to Jude.

“I couldn’t be more thankful that I’m going through this crazy parenthood chapter of life with you. Happy Father’s Day, booba-boo,” aniya pa.

Nitong January, 2021 lang inamin nina Janella at Markus sa madlang pipol na may anak na sila sa pamamagitan ng kanilang vlog na may titulong, “Hey, Jude”.

Sa isang panayan kay Markus, nabanggit nito kung paano binago ng kanilang anak ni Janella ang kanyang buhay sa isang iglap.

“The moment na I saw him parang a whole wave just took over my body na parang lahat ng priorities ko ay nawala, went out of the window. Like everything is now for him, forever will be for this little man that I’m holding in my arms.

“And hindi ako naiyak, hindi ako natawa, parang nakatulala lang ako, nakakatitig sa kanya for hours. Like until now his smiles are the most beautiful thing in the world.

“Lahat ng hirap, lahat ng early morning wake up, sobrang worth it kapag nakita ko ang mukha niya. It’s all about him na. It’s crazy,” lahad pa ni Markus sa nasabing interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito lang nakaraang linggo ay ibinalita ni Janella na balik-trabaho na siya makalipas ang mahigit isang taong pamamahinga sa showbiz. Wala naman siyang ibinigay na detalye kung ano ang bago niyang project ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending