Alden may hugot sa 'chain reaction' machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA | Bandera

Alden may hugot sa ‘chain reaction’ machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA

Ervin Santiago |June 16,2021
facebook
share this

Alden may hugot sa ‘chain reaction’ machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA

Ervin Santiago - June 16, 2021 - 08:43 AM

WALANG inuurungang challenge ang Kapuso actor na si Ken Chan kaya naman paborito siyang bigyan ng GMA ng mga role na napakahirap gampanan at bigyan ng hustisya.

Hindi na nga bago kay Ken Chan ang gumanap ng makukulay at hindi pangkaraniwang karakter sa kanyang pinagbidahang mga teleserye sa GMA 7.

Taong 2015 nang unang mabigyan ng titular role ang aktor sa “Destiny Rose” kung saan gumanap siya bilang transgender woman. 

Mas umingay pa ang kanyang pangalan nang bigyang-buhay niya ang karakter ni Boyet na may mild intellectual disability sa “My Special Tatay”.

At sa upcoming Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw” na magsisimula na sa June 21, mapapanood naman si Ken bilang si Nelson, ang butihing asawa ni Mia (Rita Daniela) na may Dissociative Identity Disorder na magiging dahilan kung bakit mabubuhay ang karakter ni Tyler, ang gun dealer at fiancé ni Beatrice (Anna Vicente). 

Malaki ang pasasalamat ni Ken sa Kapuso Network dahil mula noong magsimula siya bilang artista ay puro magaganda at challenging roles ang ipinagkakatiwala sa kanya.

“Lagi kong sinasabi that I am very blessed and thankful to GMA 7 dahil nabibigyan nila ako ng mga serye na may ipinaglalaban o may advocacy, tinatawag nga natin itong advocaserye,” pahayag ni Ken.

Dagdag pa ng aktor, “Ito yung roles na pinapangarap kong gawin at nabigyang katuparan ito ng GMA 7. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

“Dahil bukod sa nagagawa ko ang passion ko sa pag-arte ay nakakatulong din ako sa viewers na ipakita sa kanila ang iba’t ibang mukha ng mga tao sa pamamagitan ng roles na ginagawa ko,” sabi pa ng binata.

Tunghayan ang kuwento nina Nelson at Tyler sa “Ang Dalawang Ikaw” simula ngayong Lunes, June 21, sa GMA Afternoon Prime. 

* * *

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng manonood ang nalalapit na pagbabalik-tambalan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith sa upcoming GMA primetime series na “The World Between Us.” 

Matapos ang team up nila sa “I Can See You: Love On The Balcony,” tila marami ang kinikilig at natutuwa sa malakas na on-screen chemistry nina Alden at Jasmine na nakatakda namang bumida sa “The World Between Us” bilang sina Louie at Lia. 

Samantala, mula sa ipinasilip na bagong teaser ng series ay mapapansing may kinalaman sa “chain reaction machine” ang kuwento nito. 

Sa panayam kay Alden ng GMA ay ikinuwento ni Alden ang papel na gagampanan niya sa isa pang bagong serye ng network.

“Sa buhay ng tao, everything is a series of chain reactions. Ipakikita nu’n kung paano ‘yung mga nangyayari sa buhay ng mga bida sa istorya ay maaapektuhan ng action ng isa pang karakter and so on.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Alden at Jasmine, kasama rin sa serye sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, at Kelley Day. Malapit nang mapanood ang “The World Between Us” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending