Alice nagpaliwanag sa suot na hijab; Dennis 'idol' ang role sa 'Legal Wives' | Bandera

Alice nagpaliwanag sa suot na hijab; Dennis ‘idol’ ang role sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago |June 15,2021
facebook
share this

Alice nagpaliwanag sa suot na hijab; Dennis ‘idol’ ang role sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 12:13 PM

MAY patikim ang aktres at dating beauty queen na si Alice Dixson sa pagganap niya bilang Muslim sa upcoming drama series ng GMA na “Legal Wives.”

Nagbigay ng kaunting detalye ang first-time celebrity mom sa mga isinusuot niyang damit sa teleserye at kung anu-ano ang mga kahulugan ng mga ito sa mga kababaihang Muslim at sa kanilang kultura at paniniwala.

Nag-post ang Kapuso actress sa Instagram ng ilang litrato at video kung saan makikita siyang may suot na tube cap o mas kilala sa tawag na “hijab” cap na bahagi ng Muslim garments.

“Although we’ve lived in the Middle East, I learned so much more about the hijab through our TV series,” simulang pahayag ni Alice sa kanyang caption.

“In its traditional form, it is worn by women to maintain modesty and privacy.

“Generally Muslim women’s garments conceal the hair and body from the ankles to the neck,” aniya pa.

“Kaya what I’m wearing here (tube cap) is incomplete. I must still cover my neck with a scarf or full inner bonnet,” dugtong pang paliwanag nh aktres.

Pangako ni Alice sa mga manonood, pati na rin ng iba pa niyang kasamahan sa “Legal Wives” tulad nina Dennis Trillo, Bianca Umali at Andrea Torres, napakaraming matututunan ng manonood sa kanilang serye.

Bukod sa mga dahilan kung bakit pinapayagan ang isang Muslim na magkaroon ng higit sa isang asawa, siguradong makaka-relate rin ang lahat ng pamilyang Pinoy sa tema at kuwento ng bagong drama series ng GMA.

Sa isang panayam naman, sinabi ni Dennis na iba ang challenge na hinarap niya bilang lead star ng serye na magkakaroon nga ng tatlong asawa sa kuwento.

“Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script, ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka du’n sa kultura.

“Du’n sa karakter ko, siya ‘yung tao na iidolohin mo dahil iba ‘yung paninindigan niya. Iba siya magmahal. Bawat tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan kaya rin siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kwento dahil mapagmahal siyang tao,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Legal Wives” ay sa direksyon ni Zig Dulay at malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending