Relasyong Heaven-Kiko nilalagyan ng malisya, magdyowa na nga ba? Bandera

Relasyong Heaven-Kiko nilalagyan ng malisya, magdyowa na nga ba?

Reggee Bonoan |June 11,2021
share this

Relasyong Heaven-Kiko nilalagyan ng malisya, magdyowa na nga ba?

Reggee Bonoan June 11,2021 - 11:17 AM

NILALAGYAN ng malisya ng ilang fans ang pagkakaibigan at ang professional relationship ng Kapamilya stars na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Iniintriga kasi ng mga netizens ang dalawa nang makita silang magkasama sa isang restaurant kung saan may nagpa-picture sa kanila nang magkahiwalay pero ipinagdikit naman ang mga ito nang i-post sa Facebook page ng Kiko Estrada Unofficial.

Ang caption na nakalagay sa larawan ng dalawang bida ng TV series na “Bagong Umaga” na napapanood sa A2Z at Kapamilya online ay, “Wait a minute, kaping mainit mula kay @Zhail.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 574 ang nag-like, 534 shares at 189 ang nagkomento. At karamihan sa mga nabasa namin ay negatibo ang pagtanggap sa “relasyon” ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa chikang nagkakamabutihan na umano sina Kiko at Heaven.

Mula kay @Dal Dal, “When Heaven turns into Hell. Hahahaha! Atay kahalas kayo.”

Hirit naman ni @Lina Marzan, “@Dal Dal kaya pala high na high si Heaven sa lG stories. Parang kakatapos lang. Memories daw.”

Sabi naman ni @Gretchen Balangitan Galos, “TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.”

Ipinalaala rin ni @Rossana Hortillosa kay Heaven ang inilabas niyang official statement na isinulat niya sa kanyang Instagram story noong kainitan ng hiwalayan nina Kiko at Devon Seron. 
Dito nga niya ipinagdiinan na hindi siya involved at wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dating magkasintahan kaya huwag naman daw sana siyang idamay sa isyu.

Kaya ang reaksyon ni @Prisha Atiya Reyn Aboilo, “Kainis ka Heaven!!! Denying kapa ha!! Haisstt.”

Sabi rin ni @Emae Aboilo, “Yung nagpalabas pa ng mahabang statement si Madam pero after ilang buwan lang eh.”

Marami pang masasakit na komento ang netizens laban kay Heaven pati na kay Kiko. Naniniwala sila na may kinalaman daw talaga si Heaven sa nasirang relasyon nina Kiko at Devon.

Pero teka, hindi kaya eksena lang sa “Bagong Umaga” ang lumabas na litrato kaya magkasama sina Heaven at Kiko sa nasabing resto? O, baka naman friendly date lang ang nangyari at wala naman talagang malisya.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng dalawang Kapamilya tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending