Duterte-Duterte sa 2022, tigil na | Bandera

Duterte-Duterte sa 2022, tigil na

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
June 08, 2021 - 06:00 PM

 

Mabuti naman at tuluyan nang ibinasura ni Davao city mayor Sara Duterte ang pinaugong na Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections. Sa totoo lang, ginagawa ito sa mga lokal na halalan, pero sa nasyonal, malaking insulto sa sambayanang Pilipino.

Sa ngayon, may mga reports na na nagprisintang mag-bise presidente sina Ex-Senator Bongbong Marcos pero, hindi nagkatuluyan. Sumunod si dating Defense Secretary Gilberto Teodoro na mas may tsansa pero magbabago pa hanggang Oktubre.

Si Senator Manny Pacquiao, na inalis bilang OIC ng PDP-Laban ay hindi magpapaawat kumandidato. Importante kasi na huwag tumakbo si Pacquiao para ma-solid ng Duterte ang Mindanao. Kung tutuloy si Manny, hihina ang balwarte ni Sara.

Bukas din si Vice President Leni Robredo sa pagka-presidente pero kailangang iisa lang ang oposisyon sa ilalim ng 1Sambayan at Liberal Party. Si Ex-senator Antonio Trillanes ay gustong mag-presidente kung hindi interesado si VP.

Tatakbo ring Pangulo si Senator Ping Lacson dahil “forced retirement” na siya sa pulitika sa 2022. Interesadong mag-bise sa kanya si Senate President Tito Sotto. Si Senator Dick Gordon ay nagdeklara ding tatakbo sa pagkapangulo sa kanyang Bagumbayan party at suportado ng buong Red Cross. Samantalang si Senator Grace Poe ay di pa opisyal na nagdedeklara pero may ugong na naghahanap ito ng malakas na makakatambal.

Si Congressman at dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay nagpahayag na siya ay tatakbo na rin bilang presidente , katunayan, marami na siyang TV spots tungkol sa panukalang P10,000 ayuda bawat pamilya.
Isang “dark horse” si Manila Mayor Isko Moreno na tahimik pero pumupusisyon bilang pangulo. May ugong na siya ang mas pinapaborang maging bise ni Sara. Ito’y kumbinasyon ng Mndanao at Metro Manila na ginamit ni Duterte-Cayetano noong 2016.

Anu’t anuman, magkakaalaman sa October 1, kung sino ang mga sasabak. Ang aking paniniwala, mga anim o higit pa ang presidentiables sa Mayo 2021.
(next topic)

1M ton ‘nuclear wastewater’ ng Japan, itatapon sa Pacific Ocean

Isang milyong tonelada ng “nuclear wastewater” galing Japan ang planong ibuhos nito sa Pacific Ocean simula 2023. Ito’y agarang tinuligsa ng mga katabing bansa tulad ng South Korea,China Russia, at maging Pilipinas.

Ang kontaminadong tubig na may “radioactive byproduct ” na “Tritium” ay mula sa Daiichi Nuclear Plant sa Fukushima na winasak ng lindol at tsunami noong Marso 2011. Iginigiit ng Japan na lulusawin ng dagat ang pakakawalang “tritium”, pero marami ang nangangamba na maapektuhan nito mga pagkaing dagat na mahuhuli sa karagatan ng Fukushima.

Ang ASAHI SHIMBUN newspaper , ay nagsurvey noong Enero kung saan 55 percent ng mga respondents ay kontra, samantalang 32 percent lamang ang pabor. Dito sa Pilipinas, hinikayat ng Malakanyang ang Japan na kilalanin ang International environmental law sa kontaminadong tubig. Ni hindi umano kinonsulta ng Japan ang mga katabing bansa, kasama ang mamamayan nito at “environment” bago sila nagdesisyon.

Pero, nakakabahala ang biglaang pag-alis ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin din sa higit sampung taong “ban” natin sa mga “Fukushima food imports”, nang bumisita dito ang Japanese Foreign Minister noong Enero 2020 . Baligtad ito sa desisyon ng US Food and Drug administration (FDA) na pahabain pa nila ang pagbabawal doon sa mga Fukushima food products.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa totoo lang, maraming mga kababayan natin ang hindi nalalaman ang isyung ito. Ang “tritium”, ayon sa Wikipedia, ay nakalalasong kemikal na magdudulot ng kanser sa mga taong makakain o makakalanghap nito.

Bantayan natin ang gagawin ng Malakanyang, ang Department of Foreign Affairs , DOH-FDA, DENR at Dept of Agriculture sa isyung ito. Baka bumigay sila sa “pressure” ng Japan at tayong mamamayan naman ang manganib.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending