Bakit ginaya ni Vice Ganda si Kim Kardashian sa It's Showtime? | Bandera

Bakit ginaya ni Vice Ganda si Kim Kardashian sa It’s Showtime?

Ervin Santiago |June 06,2021
facebook
share this

Bakit ginaya ni Vice Ganda si Kim Kardashian sa It’s Showtime?

Ervin Santiago - June 06, 2021 - 09:10 AM

IBANG-IBA ang feeling ng Phenomenal Star na Si Vice Ganda nang gayahin niya ang social media celebrity at influencer na si Kim Kardashian.

Bentang-benta ang panggagaya ni Vice sa sikat na international star sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” na una raw niyang ginawa sa taping ng bago niyang game show sa ABS-CBN na “Everybody Sing.”

Umapir ang TV host-comedian sa nasabing Kapamilya noontime show na nakasuot ng mahabang beach-wave wig with matching nude-colored lips pa.

“Kumalma kayo. Ako pa rin ito,” simulang pahayag ni Vice nang nasa stage na.

Nu’ng unang makita si Vice ng kanyang mga co-hosts sa programa ay hindi pa nila nahulaan agad kung sino ang peg sa bago niyang look. Kanya-kanyang hula pa sila kung sino ang kinopya niya.
Ang sabi pa nga ni Jugs Jugueta para raw siyang si Dawn Zulueta sa itsura niya. 

Ayon naman sa kaibigan niyang si Vhong Navarro, baka raw ang baguhang sexy star na si Sunshine Guimary ang peg ng kanyang new look na siyang leading lady ni Ion Perez sa pelikulang “Kaka.”

“Sunshine Guimary na umitim,” ang tawa nang tawang sabi ni Vhong.

Ipinaliwanag naman ni Vice sa madlang pipol kung sino ang inspiration niya sa kanyang look, at yan nga ay ang iconic celebrity na si Kim Kardashian.

Ayon sa komedyana, ginaya niya si Kim Kardashian para raw gumanda ang mood niya tulad ng na-feel niya sa “Everybody Sing.” 

“Kahapon nag-taping ako ng ‘Everybody Sing’. Every week iba iba ’yung look. Feeling ko ang ganda-ganda ko kahapon, pinaganda nila ako. Hanggang umuwi ako ang saya-saya ng puso ko,” sey ni Vice.

“Kaya bago ako matulog, bukas dapat ma-feel ko na maganda ulit ako para masaya ulit ako kasi the more you feel ganda, the more you feel saya,” hirit pa niya. 

Last week naman, nagpaka-Claudine Barretto si Vice sa “It’s Showtime” at game na game pang nag-pose sa mga camera tulad ng itsura ng aktres sa isang pelikulang ginawa nito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ng co-host niyang si Karylle, talaga raw hugis-bigas na ang mukha ni Vice kasabay ng hirit ni Vhong na kuhang-kuha nga niya ang karakter ni Claudine sa “Kailangan Kita,” kung saan nakasama nito si Aga Muhlach. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending