Neil umamin sa estado ng relasyon nila ni Rabiya: ‘We’re not together anymore’
Tinapos na ni Neil Salvacion ang matagal nang ispekulasyon kaugnay sa relasyon nila ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
“The real thing is, we’re not together anymore,” ayon sa post ng non-showbiz na binata sa kanyang Instagram nitong Biyernes ng gabi.
“[B]ut we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives,” dagdag niya.
Tumindi ang haka-haka na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa matapos na mag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.
May mga chika pa na ang puno’t dulo ng paghihiwalay ng dalawa ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette. May IG story kase si Rabiya na magkasama sila ni Andre sa isang restaurant sa Beverly Hills. May kapareho ring post ang binata na caption na, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”
Itinanggi ni Rabiya na may romantikong ugnayan sila ni Andre.
Pero sa panayam kay Boy Abunda, inamin ni Rabiya na “kumplikado ang sitwasyon” nila ni Neil, bagama’t sinabi niyang umaasa siyang maayos ang gusot sa kanyang pagbabalik sa bansa. Nasa US pa rin si Rabiya matapos ang koronasyon ng Miss Universe sa Florida noong Mayo 17.
Nalungkot naman si Neil sa mga chismis na kumakalat kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.
“We don’t deserve all the negativities manifested towards us, especially towards Rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she (deserves) it all,” wika pa ni Neil.
“It’s NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, It’s better to keep it within yourself,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.