Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!? | Bandera

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Ervin Santiago |June 04,2021
facebook
share this

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Ervin Santiago - June 04, 2021 - 04:13 PM

INAATAKE na ng “sepanx” (separation anxiety) ang mga Kapuso viewers pati na ang buong cast and production ng “Owe My Love” dahil sa pagtatapos ng Kapuso serye.

Kahit ang mga bida ng “OML” na sina Lovi Poe, Benjamin Alves at Winwyn Marquez ay hindi pa rin makapaniwala na magpapaalam na sila sa mga manonood.

In fairness, talagang tinutukan at hindi bumitiw sa kuwento ng “Owe My Love” ang mga fans na gabi-gabing nai-inspire, kinikilig, nagagalit at nakakaramdam ng good vibes sa mga napapanood nilang mga eksena.

At dahil sa epektibong pagganap na kontrabida ni Winwyn sa serye bilang si Trixie ay may isang waitress daw ang gusto siyang saktan at sampalin.

“Biglang lumapit, nagpapa-picture ‘yung mga staff (ng isang restaurant). Sabi nu’ng isang waitress, ‘Pasampal naman po. Okey lang? Isa lang.’

“Sabing ganu’n! Oh my gosh! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!” natatawang pagbabahagi ng actress-beauty queen sa isang panayam.

Inamin naman nina Lovi at Benjamin na mami-miss nila ang lahat ng kasamahan nila sa programa pati na ang pakikipagkulitan nila sa kanilang fans sa pamamagitan ng social media.

Sey ni Lovi, “May nagta-tag sa amin kasi sa Instagram. Tawang-tawa ako doon sa part na pinatay niya ‘yung TV dahil iba na ‘yung kasama ko doon, hindi na si Doc Migs. Si Rocco na ‘yung kasama ko, si Doc Kenneth.”

Kuwento naman ni Ben, “Kapag lumalabas ako, the few times that I get to go out now, ang tawag sa akin Doc Migs. Mami-miss ko ‘yun.”

“Nakakatuwa na nakabuo kami ng isang teleserye within the whole span of the pandemic: nalatag siya, na-air namin siya, natapos siya,” aniya pa.

Mensahe naman ni Winwyn sa mga kasamahan niya sa “OML”,  “Super love kita. Super love kita, Lovi. Super love kita, Ben. Lahat ng cast, sina Kiray, super love ko kasi iba talaga ‘yung bond. Even kina Ms. Karen (Lumbo), Sir JC (Rubio), everyone.

“Iba ‘yung naging relationship ko with them. First time ako naging kasali sa isang production na ganu’n ‘yung naramdaman ko. I felt really, really comfortable and I felt like I can be me also, na walang restrictions. So wala, simple. I love you guys and sana maka-work ko kayo.”

Para naman kay Lovi, “Naka-lockdown kami for two months straight and I wouldn’t imagine myself going through that so well and so smoothly if it wasn’t for you. 

“Sabi ko talaga, hindi ko ma-imagine ‘yung sarili ko talaga kapag hindi itong buong production at buong cast ‘yung kasama ko. So thank you talaga. I love you guys. I’m so grateful,” dagdag ng aktres.

Ito naman ang message ni Benjamin, “Actually nami-miss ko sina Winwyn, sina Lovi, the whole cast kasi iba talaga ‘yung feeling na ‘yun eh, na two months ka magkasama na walang naging problema at never ko naramdaman na nagtatrabaho ka.

“Sobrang saya doon sa set. Even if we’re in the same location the whole time for two months, wala eh, ‘yung bond po namin na ‘yun I don’t know how you’re able to duplicate it in another show. Iba. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Everytime I see Lovi, when I see Wyn, sina Kuya Mike (Pekto Nacua), doon lagi nababalik ‘yung pakiramdam ko. ‘Yung amoy ng Sitio Lucia, ‘yung mga perks doon, basta ‘yung place na ‘yun, that will forever have a mark in my life and in this career,” sabi pa ng Kapuso hunk.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending