Beauty Gonzalez, Pokwang lumipat na rin sa GMA? | Bandera

Beauty Gonzalez, Pokwang lumipat na rin sa GMA?

Ervin Santiago |June 03,2021
facebook
share this

Beauty Gonzalez, Pokwang lumipat na rin sa GMA?

Ervin Santiago - June 03, 2021 - 12:06 PM

HINDI pa man humuhupa ang mainit na balita tungkol sa paglipat ni John Lloyd Cruz sa GMA 7, kalat na ngayon ang chika na nasa Kapuso Network na rin si Beauty Gonzalez.

Ayon sa isang source, nagdesisyon daw si Beauty na mag-ober da bakod na finally dahil sa napakagandang offer ng mga bossing ng GMA.

Kung matatandaan, taong 2018 nang kumalat ang tsismis na magiging Kapuso na ang aktres matapos mapabalita na nakita siya sa GMA Network Center at nakipag-meeting sa mga executives.

Nag-guest pa nga si Beauty sa game show ni Eugene Domingo na Celebrity Bluff kaya mas umugong ang chika na aalis na siya noon sa ABS-CBN. 

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo, inihayag ng Kapamilya Network na mananatili sa kanila ang aktres at naging bida nga sa hit series na “Kadenang Ginto.”

“I’m so happy kasi you know after that kabaliwan issue ko, I’m back and I’m happy to where I am and I am home. I was just being a friendly neighbor. Nakikain lang ako ng lechon, tapos bumalik ulit ako,” ang paliwanag noon ng aktres sa muntikan na niyang paglipat sa GMA.

At bago nga ang balitang natuloy na sa wakas ang paglipat niya sa Kapuso station, nagtrabaho muna si Beauty sa GMA para sa isang teleserye. Aniya, maayos naman siyang nagpaalam sa mga bossing ng ABS-CBN at pinayagan naman siya.

Nag-message na kami sa isang  taga-GMA para itanong kung kumpirmado na ngang Kapuso na si Beauty pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin kami nakakatanggap ng sagot.

Ngunit isa pang source ang nagsabi sa amin na bibigyan daw ng presscon si Beauty para ibalita ang good news at kung ano ang unang teleseryeng gagawin niya bilang Kapuso.

Samantala, isa pang nababalitang lilipat sa GMA ay ang TV host-comedienne na si Pokwang. Ito’y base na rin sa Instagram post ng komedyana tungkol sa bagong blessing na kanyang natanggap.

Kahapon, ibinahagi ni Pokey ang kanyang selfie photo na tila nasa isang dressing room. Pansin ng ilang netizens, parang dressing room daw sa studio ng GMA ang nasa litrato ni Pokwang.

Sey ng komedyana sa caption, “Good morning! minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive. i love you at salamat po. #Backtowork,” mensahe pa ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending