Bonggang wedding nina Aubrey at Troy matuloy pa kaya? | Bandera

Bonggang wedding nina Aubrey at Troy matuloy pa kaya?

Ervin Santiago |June 03,2021
facebook
share this

Bonggang wedding nina Aubrey at Troy matuloy pa kaya?

Ervin Santiago - June 03, 2021 - 11:03 AM

WALA pa ring balak ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero na ituloy ang napurnada nilang kasal ngayong panahon ng pandemya.

Last year pa sana naganap ang bonggang wedding ng dalawa ngunit hindi nga ito natuloy nang magkaroon na ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Handang-handa na sana sina Troy at Aubrey sa kanilang wedding na matagal na nilang pinagplanuhan pero nagdesisyon silang huwag na munang ituloy habang delikado pa ang sitwasyon.

Sabi ni Aubrey, 2019 pa lang ay nagplano na sila ng kasal ni Troy at talagang kinarir nila ang bawat detalye nito kaya naman medyo nadismaya at nalungkot siya nang makansela ito.

“Pinlano namin ‘to siguro before 2019, parang sabi namin you know what, yes, let’s do it. Puwede na.

“Nai-book na namin ‘yung hotel, ‘yung flights nabayaran na. Nag-pandemic so na-move namin siya. April, then ‘yung wedding date na-move siya ng July,” kuwento ng aktres nang mag-guest sila sa nakaraang episode ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.”

Sabi naman ni Troy, hangga’t walang kasiguraduhan ang sitwasyon ngayon nang dahil sa pandemya ay hindi muna sila magse-set uli ng bagong wedding date.

“Move ulit. Indefinite. We waited long, might as well wait a little longer,” chika ng hunk actor at celebrity dad.

Samantala, nagkuwento rin ang mag-asawa tungkol sa kanilang quarantine life. Sey ni Aubrey, “We’re good. Nasa bahay kami siyempre with the kids, with my mom, with the baby, and gardening. Masaya naman.”

“With the kids naman we’re super adjusted now unlike last year na parang oh my god, what is gonna happen?” dagdag pa niya.

Para naman kay Troy, talagang kinailangan niyang mag-adapt sa new normal, “Lahat had to adapt and get used to this somehow. The new normal. Everyone is just trying to make the best out of everything because you know life moves on.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending