John Lloyd mapapanood na sa GMA, may bonggang pasabog kasama si Willie? | Bandera

John Lloyd mapapanood na sa GMA, may bonggang pasabog kasama si Willie?

Ervin Santiago |May 30,2021
facebook
share this

John Lloyd mapapanood na sa GMA, may bonggang pasabog kasama si Willie?

Ervin Santiago - May 30, 2021 - 09:32 AM

NGAYON pa lang ay excited na ang mga tagasuporta ni John Lloyd Cruz sa mga inihandang pasabog ng bago niyang talent agency, ang Crown Artist Management na pag-aari ni Maja Salvador.

Isa na nga riyan ang posibleng paglabas niya sa ilang show ng GMA 7, kabilang na ang “Wowowin: Tutok To Win” matapos ngang mapabalita na nakipag-meeting na ang aktor kay Willie Revillame.

Halos limang taon ding namahinga sa mundo ng showbiz ang award-winning actor matapos magdesisyon na mamuhay nang simple sa probinsya kasama ang dating partner na si Ellen Adarna at ang anak nilang si Elias Modesto.

Ngunit nang maghiwalay na sila ni Ellen, umugong nga ang balita na babalik na si Lloydie sa pag-arte hanggang sa pumirma na siya ng kontrata sa talent management ni Maja.

Kagabi, sa isang Instagram post ni Kapuso Girl, makikita ang litrato ni John Lloyd kasama ang “Wowowin” host na si Willie Revillame at ang actor-director na si Bobot Mortiz. Pabiting caption na nakalagay sa picture ng tatalo, “At mukhang may dapat abangan soon.”

Sa nasabing litrato ay mukhang nagkapirmahan na nga ng kontrata sina John Lloyd at Willie base na rin sa mga dokumento at ballpen na nasa kanilang harapan and with matching shake hands pa. Habang si Direk Bobot naman ay nakasenyas ng “aprub.”

Bago ito, nagkita na rin sina Lloydie at Willie sa resort ng TV host sa Puerto Galera kung saan nagkaroon nga sila ng heart-to-heart talk.

“Gusto ko lang batiin ‘yung kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, ‘Bakit ka ba huminto?’ Maganda ‘yung mga rason niya eh.

“’Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. ‘Pag gising ko, shooting. ‘Pagtulog ko, ‘paggising ko, shooting.’ ‘Yun bang binigyan niya ng halaga ‘yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo, eh,” kuwento ni Willie sa isang episode ng “Wowowin.”

Marami namang Kapuso viewers ang na-excite sa pagbabalik ni John Lloyd sa telebisyon at sana raw bukod sa “Wowowin” ay makagawa rin siya ng teleserye sa GMA 7 kasama ang mga big stars ng Kapuso network.

Pero sa ngayon, abangers pa rin ang lahat kung ano nga ba ang mga nakalinyang pasabog ni Lloydie sa kanyang bonggang comeback.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending