8 local pharma companies interesadong gumawa ng COVID-19 vaccines, ayon sa DOST
Umabot na sa walo ang bilang ng lokal na kompanya ng gamot na nagpahayag ng interes na gumawa ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Guevara, dalawa sa mga kompaniya ang agresibo sa kanilang kagustuhan na makagawa ng bakuna.
Una nang nabanggit ni Guevara na maaring sa pagtatapos ng susunod na taon ay dalawa sa walong kompaniya ang tapos na sa kanilang COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng tinatawag na ‘fill-and-finish’ vaccine manufacturing arrangements.
Aniya ang anim na iba pang kompaniya ay una na rin nagpahayag ng kanilang interes matapos ang kanilang pakikipag-usap sa pribadong sektor noon pang nakaraang taon.
Ibinahagi ni Guevara na ang isa sa mga kompaniya ay partner na ng isang Chinese vaccine manufacturer, samantalang ang isang kompaniya naman ay may koneksyon sa isang Germany-based vaccine developer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.