OFWs na paalis ng bansa sa loob ng apat na buwan, kabilang na sa A1 priority list Bandera

OFWs na paalis ng bansa sa loob ng apat na buwan, kabilang na sa A1 priority list

share this

OFWs na paalis ng bansa sa loob ng apat na buwan, kabilang na sa A1 priority list

May 29,2021 - 11:26 AM

Kasama na ngayon sa A1 priority list ng pagbabakuna kontra COVID-19 ang mga overseas Filipino worker na paalis na ng bansa sa loob ng apat na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama na rin sa A1 priority group ang family members ng health workers.

Maglalaan na rin ng special lanes para sa vaccination centers ang mga nasa A1, A2 o mga senior citizens at A3 o may mga comorbidities.

Ayon kay Roque, maaring bigyang prayoridad ng local government units ang mga nasa A4 na nasa edad 40 hanggang 59.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending