Barbie tiwalang hindi magloloko si Jak: Yung security namin sa isa't isa talagang matatag Bandera

Barbie tiwalang hindi magloloko si Jak: Yung security namin sa isa’t isa talagang matatag

Ervin Santiago |May 28,2021
share this

Barbie tiwalang hindi magloloko si Jak: Yung security namin sa isa’t isa talagang matatag

Ervin Santiago May 28, 2021 - 10:43 AM

MAS lalo pang tumibay ang relasyon ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kabila ng maraming pagsubok na kanilang pinagdaanan ngayong panahon ng pandemya.

Kahit na limitado ang kanilang panahon at galaw dahil sa ipinatutupad na community quarantine ay nagagawa pa rin ng magdyowa ang mag-bonding kahit paano.

Bukod sa paggawa ng TikTok video at vlog para kanilang mga YouTube channel, sinisiguro talaga nina Barbie at Jak na magkaroon ng quality time together.

At alam n’yo ba na hindi pa nagkakaroon ng matinding away o tampuhan ang Kapuso lovers? Isa raw sa mga sikreto nila ay ang hindi matibag-tibag na tiwala nila sa isa’t isa.

“Tsaka malaking bagay na parehas kami ng interests at saka kampante na kami sa isa’t isa.

“Alam namin na wala kaming gagawin para masaktan or malungkot kaming dalawa.

“Lagi kong sinasabi ‘yung assurance and ‘yung security namin sa isa’t isa, talagang matatag,” pahayag ni Barbie sa nakaraang virtual mediacon ng GMA para sa guesting nila ni Jak sa primetime series na “Heartful Cafe.”

Sey naman ni Jak tungkol sa routine nila ni Barbie bilang magdyowa sa panahon ng pandemya, “Laging kumustahan pagkagising, bago kumain, pagkatapos kumain, ‘pag nagkakape, ‘pag nagwo-workout. Malaking bagay ‘yung technology, ng video call.”

Samantala, naibahahi rin nina Jak at Barbie ang naging kaganapan sa kanilang 4th anniversary as a couple noong May 19 at kung ano ang regalo nila para sa isa’t isa.

Ayon kay Jak binigyan niya ng espresso machine ang kanyang girlfriend at nagpa-deliver din siya ng iba’t ibang putahe ng seafood sa bahay nina Barbie.

“Ang ibinigay niya sa akin, espresso machine. Coffee is life,” chika ni Barbie. “Nagpaluto rin siya ng seafood na alam niyang paborito ko at ng aking mga magulang.

“Sugpo, oysters, ‘yan. Nagpaluto siya para ma-enjoy namin para kahit anniversary naming dalawa, ma-enjoy rin namin ng family ko ‘yung food,” sabi pa ng Kapuso actress.

Binigyan naman ni Barbie si Jak ng  organizer at hard-cases para sa mga camera ng hunk actor na ginagamit nito sa kanyang pagba-vlog, “Yes, aa akin naman ‘yung organizer at hard case ng mga camera. Yun ang mga regalo niya sa akin for our anniversary.”

Samantala, patuloy na subaybayan ang mga nakakakilig, nakaka-good vibes at nakaka-inspire na mga kaganapan sa GMA Telebabad series na “Heartful Cafe” starring Julie Anne San Jose at David Licauco pagkatapos ng “First Yaya.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending