Danica may binitiwang pangako matapos magretiro si Marc sa PBA | Bandera

Danica may binitiwang pangako matapos magretiro si Marc sa PBA

Ervin Santiago - May 26, 2021 - 07:02 PM

MAY binitiwang pangako ang aktres at celebrity mom na si Danica Sotto sa kanyang asawang si Marc Pingris matapos nitong ihayag ang pagreretiro sa Philippine Basketball Association.

Ngayong araw, in-announce nga ng PBA player na makalipas ang 16 na taon ay magpapaalam na siya sa paglalaro ng professional basketball para sa bagong yugto ng kanyang buhay.

Kasunod nito, nag-post din si Danica sa kanyang Instagram account ng mensahe para kay Marc at nangako nga na hinding-hindi ito aalis sa kanyang tabi habang nagsasama sila bilang mag-asawa.

Nag-share ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ng throwback photo nila ni Marc sa Instagram kasabay ng pagsasabi na super proud siya sa naging basketball journey ng asawa, lalo na sa PBA.

“Every time Marc has a game, especially an important one, yung tipong mga do or die games… ‘di mo makakausap yan!

“He’s quiet and not his usual kulit self. Naka-focus talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag-iisip talaga ‘yan nang malalim,” ani Danica sa unang bahagi ng kanyang caption.

“But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.

“‘Pag ganyan na siya sa akin, it means mission accomplished na siya. Nanalo na team nila, para sa family namin o kaya para sa bayan,” aniya pa.

Sey pa ng aktres, talagang mami-miss niya ang panonood kay Marc habang naglalaro sa hardcourt, pero excited din siya sa mga susunod na kabanata sa buhay ng kanyang mister at sa mga darating na bagong opportunities sa kanilang pamilya.

“I know God has even greater plans. Thank you so much! We are eternally grateful for all your love and support,” sabi pa ni Danica.

Sa huli, nangako nga ang aktres at dating TV host kay Marc, “I will be forever proud of what you’ve accomplished @jeanmarc15. I’ll always be by your side. Love you so much! #ForeverCheerleader”.

Sa pamamaalam ni Marc sa PBA, hindi rin niya nakalimutang pasalamatan si misis sa suporta at pagmamahal nito sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To my wife, Danica, thank you for your love. Thank you for all the sacrifices you made for me and our family. Thank you for staying beside me, for pushing me to work harder and never give up. I love you!” sabi ni Marc kay Danica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending