Bwelta ni Meryll sa bashers nila ni Joem: Wala akong time, nag-aalaga ako ng baby! | Bandera

Bwelta ni Meryll sa bashers nila ni Joem: Wala akong time, nag-aalaga ako ng baby!

Ervin Santiago |May 26,2021
facebook
share this

Bwelta ni Meryll sa bashers nila ni Joem: Wala akong time, nag-aalaga ako ng baby!

Ervin Santiago - May 26, 2021 - 12:42 PM

MAY bonggang “resbak” ang aktres na si Meryll Soriano sa mga nangnenega sa relasyon nila ng kanyang partner na si Joem Bascon.

Kung marami ang natutuwa sa pagbabalikan ng dalawa at sa pagkakaroon nila ng baby, may mga namba-bash din at pumupuna sa kanilang pagsasama.

Aminado naman ang anak ni Wille Revillame na nababasa niya ang mga hindi kagandahan at malilisyosong komento ng mga bashers tungkol sa relasyon nila ng aktor at tatay ng kanyang anak.

Ngunit mas gugustuhin na lamang daw niyang ituon ang panahon at energy niya sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya kesa makipagsagutan sa mga “negatron” ng social media.

“Wala akong time for it. Nag-aalaga ako ng baby, masaya ang buhay,” ang pahayag ni Meryll sa isang TV interview.

Katwiran pa ng aktres, na-experience na raw kasi niya ang magkaroon ng postpartum depression noong ipanganak ang panganay na si Eli (anak nila ng dating karelasyon na si Bernard Palanca). Ayaw na raw niyang maulit ito ngayong may bago uli siyang baby.

“Iniingatan natin na huwag akong magkaroon ng postpartum [depression]. Nagkaroon ako noon kay Eli,” paliwanag ni Meryll.

“Ngayon, mas alam ko na i-handle. Dedma na lang, ‘di ko na ine-entertain. Di mo na hahayaan makaapekto sa’yo kasi delikado yun sa mental health ko,” chika pa ng partner ni Joem.

Samantala, walang pinagsisisihan ang aktres sa pagbabalikan nila ni Joem. Kapag naiisip nga raw niya ang mga naging buhay nila noon ay natatawa na lang siya dahil sila pa rin pala ang magsasama sa “finals.”

“Kami rin pala kami ang magkakatuluyan. Nakakaloka! Love is lovelier the second time around? Oo, hahaha! Kinilig, it’s rekindled love, masaya siya,” tumatawang sabi pa ni Meryll.

Pahabol pa niyang chika, “Pag ibinigay din pala sa’yo ng tadhana kung ano ang para sa’yo. Winelkam ko nang bonggang-bongga.

“May mga bagay na di ka ma-explain sa mundong ito at sa buhay mo. When you’re open and ready, darating din ang para sa ‘yo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isinilang ni Meryll nitong nagdaang January, 2021 ang panganay nila ni Joem at kasunod nga nito ang pagkumpirma nila sa part 2 ng kanilang love story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending