'Showtime' may backback pasiklaban; Mayor Joy nagpabakuna na rin | Bandera

‘Showtime’ may backback pasiklaban; Mayor Joy nagpabakuna na rin

Reggee Bonoan - May 24, 2021 - 06:24 PM

DALAWANG beses naging positibo sa COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte at nitong nakaraang buwan lang siya totally naka-recover kaya nagdesisyon na rin siyang magpabakuna.

Nauna na ang ibang Metro mayors na nagpabakuna ng COVID-19 pero si Mayor Joy ay nagpahuli muna.

Narito ang official statement ng alkalde na naka-post sa Quezon City social media account, “Today I joined the thousands of QCitizens who are now vaccinated against COVID-19.

“Although I am part of the A1 category, I decided to wait until most of those in the identified priority groups had been vaccinated. Also, after just recovering from COVID-19 last month, I did not see the need for me to be vaccinated immediately.

“Like many other QCitizens, I booked my vaccination appointment through our EZConsult website, so I could observe the process for myself and make suggestions as to how this can be improved.

“When I booked, EZConsult only had available slots at the vaccination site in Ateneo, and this is where I received my first dose of Sinovac at 1 pm this afternoon – the 322,056th dose administered in the city.

“Dahil dalawang beses kong naranasang magka-COVID-19, batid ko ang kahalagahan ng bakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit na dulot ng virus.

“I hope that by having been vaccinated, I could encourage more QCitizens to get inoculated too against COVID-19.

“While it is our right to refuse a particular brand of vaccine, health experts are one in saying that the best vaccine is the one readily available, the one that is in your arm.

“Herd immunity cannot be achieved, if we all wait for a preferred vaccine brand based on a notion that it is of a higher quality or more prestigious. All the vaccines approved by the FDA are equally safe and effective.

“Maraming salamat sa lahat ng nakikilahok sa #QCProtekTODO Vaccination Program ng Lungsod at laban natin sa COVID-19. Higit din ang aking pagpapasalamat sa ating mga health care workers at volunteers na walang sawang nagbibigay ng kanilang kalinga at serbisyo upang tuluyan natin mawakasan ang pandemya na ito. Sama-sama tayong maging #QCProtekTODO sa bakunang sigurado.”

* * *

Umaatikabong tapatan ng talentong Pinoy ang ihahain ng tropa nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa “It’s Showtime” ngayong linggo sa “Versus” grand finals at pagsisimula ng two-week “Tawag ng Tangahan” quarter finals sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.

Sari-saring aliw at galing ang makukuha ng viewers sa “Versus: The Grand Showpresa,” kung saan 16 acts ang buong linggong magtatagisan gamit ang angking talento at kakayahang magpasaya ng madlang people. Isang finalist ang mananalo kada araw hanggang sa apat na lang ang matira ngayong Biyernes para sa ultimate tapatan.

Huwag kumurap sa nakakabilib na acts ng mentalist na si Tik Talker (Melbourne Javier), card tricks ni Tigas Abelgas (Mark Alfonso), head spinning ni Otso Gwapito (Jericho Ayala), Rubik’s cube solving ni Son Guro-Ku (Reynaldo Mape Jr.), scaffolds dancing ni Mani-Queen (Nique Mancha), yoyo tricks ni Pa-bili Idol (Charles Miagar), at Cyr wheel spinning ni Hilo Love Goodbye (Jay-ar Matias).

Palaban din ang bubble act ni Kuya Wheels (Julio Belacse), beatboxing with harmonica ni The Ihaws of Us (Jesse Pascua), pop lock dancing ni Captain Barber (Marlou Mangeron), devil sticks ni Fish Be With You (Dexter Duran), blocks juggling at crystal ball act ni Mask Alvarado (Noah Velasco), light art ni Emo Magalona (Raphael Dela Cruz), pen art ni Christorpe Reeve (Jestoni Rubantes), at contemporary dancing ni Siyam Milby (Larry Into), at pianist na si Flex Cortez (Noel Villanueva).

Pagalingan sa kantahan naman ang dapat na tutukan simula Lunes sa pagsisimula ng two-week quarter finals sa “Tawag ng Tanghalan,” kung saan sampung magagaling na singers ang maglalaban-laban para masungkit ang isa sa dalawang pwesto sa semifinals.

Sa unang linggo, magtatapat sa entablado ang band singer na si Froilan Cedilla, mga estudyanteng sina Justine Gadi, Reiven Umali, at Josh Labing-isa, at online seller na si Pamela Anne Mulimbayan.

Hindi rin aatras sa bosesan sa susunod na linggo ang theater actress na si Aixia Mallary, dating service crew na si Kiro Remon, music school graduate na si Faye Yupano, online seller na si Erika Buensuceso, at estudyanteng si Psalm Manalo.

Lalong hihigpit ang tapatan dahil mag-aagawan ng spotlight ang finalists mula Lunes hanggang Huwebes gamit ang pambatong hugot songs, viral hits mula sa social media, mga awitin para sa pamilya, at summer anthems.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlo sa kanila ang aabante sa labanan sa Biyernes at Sabado para magsagupaan sa pagpe-perform ng mga pangmalakasang pyesa at kanta para sa bayan. Ang dalawang makakapagtala ng pinakamataas na score sa bawat araw ang tatanghaling semifinalists.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending