DILG, suportado ang e-Sumbong system ng PNP | Bandera

DILG, suportado ang e-Sumbong system ng PNP

- May 22, 2021 - 11:29 AM

Buo ang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” system ng Philippine National Police (PNP).

Layon ng bagong sistema na ipinatupad si PNP Chief General Guillermo Eleazar na mapabilis ang pag-uulat ng mga krimen, reklamo at maging ang mga paglabag na nagagawa ng ilang pulis sa pamamagitan ng SMS hotlines, social media, email, o QR scanning method.

“We support the initiatives taken by PNP Chief Eleazar to effect the change we want to see in the PNP,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Sa pamamagitan ng e-Sumbong, mas mapapabilis aniya ang aksyon sa mga krimen at sumbong mula sa publiko habang nililinis ang hanay ng pambansang pulisya.

Paalala naman ng kalihim sa publiko, idulog lamang ang mga lehitimong reklamo.

“We developed e-Sumbong because we want citizens to play an active role in crime prevention and solution and in ridding the police organization of misfits and scalawags. Siguraduhin po nating ang irereport natin dito ay totoo at hindi panloloko dahil baka kayo naman ang magkaroon ng asunto,” ani Año.

Maaring ipadala ang mga ulat o reklamo sa mga sumusunod:

SMS:

  • 0919601752
  • 09178475757

Social media accounts: facebook.com/OfficialPNPhotline

Email:  [email protected]

Web portal: https://e-sumbong.pnp.gov.ph

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban dito, ibinigay din ng kalihim ang kaniyang buong blessing kay Eleazar sa ginagawang pagbabago sa PNP.

Matatandaang inanunsiyo ng hepe ng PNP ang balasahan sa ilang ranggo sa kanilang hanay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending