Catriona natapos na ang quarantine sa Australia: Finally reunited with my mama and papa bear! | Bandera

Catriona natapos na ang quarantine sa Australia: Finally reunited with my mama and papa bear!

Reggee Bonoan - May 18, 2021 - 04:16 PM

KAHAPON, May 17, nagtapos ang 15-day quarantine ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa hotel na tinuluyan niya sa Australia.

Kaya naman nakauwi na sa wakas ang beauty queen sa kanilang tahanan sa Australia para makita ang mga magulang na sina Ian Gray at Normita Ragas Magnayon.

Emosyonal ang dalaga nang makita ang ama na talagang niyakap niya nang mahigpit.

Ang caption ni Cat sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Martes ng umaga, “1 year and 4 months later, finally reunited with my mama and papa bear. Family is everything. Thank you God for answering my prayers.”

Nag-iisang anak si Catriona at may mga edad na ang magulang niya kaya masakit sa kanyang kalooban na hindi niya nakakasama nang matagal at hindi naman puwedeng doon siya manatili sa Australia dahil nasa Pilipinas ang trabaho niya.

Matatandaang noong Marso 2020 ay isinara na ng Australia ang lahat ng borders para sa non-citizens at non-residents na makapasok sa nasabing bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang returning citizens lang ang pinapayagang makapasok pero hindi nagawang makabalik noon si Catriona dahil naipit siya sa Pilipinas na noo’y pinagbawal lahat ang bumiyahe palabas at papasok ng bansa.

Nabanggit din naman ng dalaga na ilang beses na-cancel o na-reschedule ang biyahe niya pauwi sa mga magulang niya.

Aniya, “After countless rescheduled flights, two flight cancelations, swab tests, stress, applications and waiting. I’m finally on my way to see my parents for the first time in one and a half years.”

Samantala, hindi naman kasama ni Catriona ang boyfriend niyang si Sam Milby para sana ipakilala nang personal sa parents niya dahil feeling namin ang aktor na rin mismo ang umayaw para masolo muna ng girlfriend niya ang magulang nito.

Matatandaang naipakilala na ni Sam si Catriona sa magulang niya noong nakaraang Disyembre para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon dahil wala pa ring biyahe noon papuntang Australia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending