Jessica hindi na magpapaapi sa mga laitera; Pauline, Liezel nagkapikunan nga ba sa taping? | Bandera

Jessica hindi na magpapaapi sa mga laitera; Pauline, Liezel nagkapikunan nga ba sa taping?

Ervin Santiago |May 18,2021
facebook
share this

Jessica hindi na magpapaapi sa mga laitera; Pauline, Liezel nagkapikunan nga ba sa taping?

Ervin Santiago - May 18, 2021 - 09:26 AM

PATINDI na nang patindi ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na “Babawiin Ko Ang Lahat”, patunay dito ang pinag-usapang eksena nina Pauline Mendoza at Liezel Lopez.

Talaga namang napahanga ang viewers sa confrontation scene sa pagitan nina Iris (Pauline) at Trina (Liezel) nang magpang-abot malapit sa isang water fountain.

Ayon kay Pauline, malaking tulong na kumportable siya sa kanyang co-actor, “I think it’s important bilang actress na you get comfortable with your co-actors, so ‘yun ‘yung nangyari sa amin ni Liezel like naging comfortable kami sa isa’t isa.”

Hanga rin ang Kapuso actress sa ipinakitang professionalism ni Liezel sa set, “Working with her, she’s very professional, at the same time, she’s very dedicated to her craft, so hindi talaga ako nahirapan, hindi naman siya napikon.”

Sagot naman ni Liezel, madaling katrabaho si Pauline, “Actually, for me sobrang dali talaga na makatrabaho si Pau. It’s really easy to work with her at saka napag-uusapan namin ang gagawin namin before the day and siyempre may guidance ang aming director na si Direk Jules Katanyag.”

Kaya huwag palalampasin ang huling linggo ng “Babawiin Ko Ang Lahat” pagkatapos ng “Karelasyon” sa GMA.

* * *

Para sa kaniyang ika-25 kaarawan, may regalong handog ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin para sa lahat ng may tinatagong insecurities.

Sa panibago niyang single under GMA Music na pinamagatang “Beautiful,” layunin ni Jessica na hikayatin ang listeners na mas mahalin ang kanilang mga sarili.

Ang dance track na ito ay isinulat ni Marie Elisha Rodriguez at nagsisilbi itong simbolo ng naging transformation ni Jessica sa pagiging isang confident at empowered performer na handang maging boses ng mga tulad niyang minsan nang na-bully at nakaramdam ng takot na maging totoo.

“‘Di lahat ng tao may lakas ng loob na maging confident sa sarili nila, kasi yung iba nahihiya, takot, at lalo na yung mga taong naka-experience ng bullying kagaya ko.

“I want to remind them also, that God made us beautiful. I hope this song will really inspire you to be brave, to get out of your shell and be the best version of yourself!” aniya.

Kagaya ng sabi sa lyrics na “to show the world who you truly are,” hiling ni Jessica na ma-inspire ang mga makikinig sa kaniyang naging journey upang maging matapang sa buhay kahit ano man ang sabihin ng iba.

Samantala, dapat ding abangan ang performance ni Jessica at ang pagpapalabas sa unang pagkakataon ng music video nito sa May 23 sa weekend musical variety program ng GMA na “All-Out Sundays.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula May 14, available na ang “Beautiful” sa YouTube channel ng GMA Music, Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending