Never ko talaga pinangarap maging beauty queen, pero…
TALAGANG naglalaan ng oras ang award-winning actress na si Janine Gutierrez para mabasa ang lahat ng review at comments tungkol sa pandemic movie niyang “Dito at Doon.”
Ani Janine, mas nagiging inspired pa raw siyang magtrabaho at pagbutihan pa ang kanyang mga ginagawa sa showbiz kapag nakakabasa niya ng magagandang feedbacks about her movie.
“Sobrang na-appreciate ko lahat ng reviews kasi the fact that you took the time to share your thoughts about the film, sobrang nagpapasalamat kami du’n.
“Ang daming magagandang review and each review talagang sobrang pinag-uusapan namin sa Viber group namin.
“Pino-post namin lahat. Lalo na kapag maganda and sobrang grateful. Lahat yan naka-save sa phone ko,” ang pahayag ng dalaga sa nakaraang virtual thanksgiving mediacon ng TBA Studios para sa tagumpay ng “Dito at Doon”.
Ayon kay Janine, isa ang “Dito at Doon” sa mga pelikulang nagawa niya na hinding-hindi niya makakalimutan dahil bukod sa napakagandang kuwento nito at sa mga nakasama niya sa movie tulad ni JC Santos, dito niya unang naranasan ang mag-shooting sa gitna ng pandemya.
“For me it means talaga hope. Ang dami sa kasi sa ating nangamba. I know hindi lang mga artista pati sa mga director, nu’ng 2020 parang lahat tayo nangamba kung saan ba tayo lulugar, san ba lulugar yung trabaho natin sa gitna ng isang pandemya.
“And for TBA to risk and to take this chance na talagang mag-produce pa rin ng pelikula despite the situation, it’s hopeful for me na patuloy ang trabaho. Meron pa ring gustong manuod ng pelikula.
“Kaya naman manood online, kaya naman natin mag-adjust sa streaming so very hopeful itong pelikula na ito para sa akin,” pahayag ni Janine.
Samantala, dahil nga mainit nang pinag-uusapan ang magaganap na grand coronation night ng 2020 Miss Universe kung saan inaasahan na ang bonggang pagrampa ni Rabiya Mateo, muling natanong si Janine kung bakit never siyang sumali sa beauty pageant.
Pang-beauty queen naman kasi talaga ang dating ni Janine dahil bukod sa ganda at kaseksihan ay intelligent din siya at magaling sumagot sa mga tanong.
“Never ko kasi pinangarap maging beauty queen, eh. I love watching pageants and watching Miss Universe, Binibining Pilipinas, lahat.
“Pero for me to join hindi ko kasi siya naging pangarap, eh. So it’s not something that I ever thought of pursuing talaga.
“Pero sobrang flattered ako na you think that I could so salamat,” sey pa ni Janine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.