SB19 matapang na sinagot ang pambabasag ng bashers; kumasa sa 'bahag' challenge Bandera

SB19 matapang na sinagot ang pambabasag ng bashers; kumasa sa ‘bahag’ challenge

Ervin Santiago |May 14,2021
share this

SB19 matapang na sinagot ang pambabasag ng bashers; kumasa sa ‘bahag’ challenge

Ervin Santiago May 14,2021 - 10:49 AM

GAME na game at matapang na sinagot ng sikat na sikat na ngayong P-Pop group na SB19 ang ilang hate comments at panglalait sa kanila ng mga bashers.

Totoong-totoo pa rin ang lumang kasabihan na kapag hitik sa bunga ang isang puno ay talagang maraming mambabato rito.

At yan ang nangyayari ngayon sa SB19 na patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa mundo ng entertainment hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig pa ng mundo.

Sa guesting ng SB19 sa “Brigada” ng GTV binasa nila ang ilang mean comments laban sa kanila kabilang na riyan ang challenge ng isang netizen na magsuot sila ng bahag.

“Kung talagang proud Pinoy sila bahag ang isuot nila, kung SISIKAT talaga sila kahit bahag lang ang suot sisikat sila, yon talaga wala silang ginaya, yon ang tinatawag na pure Pilipino talent,” sabi ng netizen.

“Gusto mo ba talaga?” ang pabirong hirit ni Ken.

Sabi naman ni Stell, “Ate, sure ka na ba dito? Baka mamaya kapag nagbahag kami ma-fall ka.”

“Puwede po. Sa susunod na content namin, abangan niyo po ‘yan,” ang promise naman ni Justin.

Sa mga nagsasabi naman na “feeling K-Pop” sila at walang originality dahil halata naman daw na kinopya lang daw sa mga Korean artists ang style nila, may magandang paliwanag ang grupo tungkol diyan.

“Nag-e-evolve naman po talaga ang fashion, nag-e-evolve ang music. Nandito na po tayo sa modern times, 2021 na po, ganu’n po talaga. Asian country po tayo so naturally po meron po tayong mga reference din galing sa Asia,” lahad ni Josh.

“Hindi po Korea ang ginagaya namin, sariling style lang po namin lahat, pati po pananamit, lahat po ‘yan. Pati pagsulat ng kanta hindi lang po siya naka-Korean,” aniya pa.

Depensa naman ni Pablo, “Lahat naman po ng tao sa buong mundo meron po tayong tinatawag na sense of universality. Kapag meron tayong bagay na nakikitang maganda, we take it and utilize it.

“Hindi naman po sinasabi na pangongopya or talagang kinukuha ‘yung sinasabi, kumbaga influenced po tayo ng lahat ng bagay sa buong mundo,” katwiran pa ng binata.

Ang nais lamang daw ng SB19 ay ang makapagpaligaya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang talento kaya hindi pa rin nila maintindihan kung bakit may mga nanghihila sa kanila pababa pati na sa ibang mga kapwa nila artists.

Sabi ni Pablo, “Hindi ko alam kung saan nanggagaling, saan nila napupulot ‘yung mga sinasabi nila. Kami po, kumbaga wala naman kaming ginagawang masama.

“Ginagawa lang po namin ‘yung kung saang paraan kami nag-e-enjoy at kung saan kami nag-excel sa tingin namin. Pero bakit po kailangang may mga ganu’ng salita?” dugtong pa niya.

Sey naman ni Stell, “‘Yung mga ganu’n po, binabasa namin pero hindi naman po namin siya isinasapuso, labas din agad. Hindi naman kami nagho-hold ng grudge sa mga ganu’ng klaseng comment.

“Kasi parang wala lang din naman eh. Kasi ‘di ba, aanuhin ‘yung negatibong salita niyo kung mas kilala naman namin ‘yung sarili namin,” chika ng binata.

Kamakailan, gumawa na naman ng history ang grupo matapos makasama sa mga nominado para sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards 2021 kung saan makakalaban nila ang Korean groups na BTS at Blackpink.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending