Vice sa paglalaro ng 'Call of Duty' ni Ion: Anumang uri ng addiction ay masama! | Bandera

Vice sa paglalaro ng ‘Call of Duty’ ni Ion: Anumang uri ng addiction ay masama!

Alex Brosas |May 13,2021
facebook
share this

Vice sa paglalaro ng ‘Call of Duty’ ni Ion: Anumang uri ng addiction ay masama!

Alex Brosas - May 13, 2021 - 11:05 AM

PINAGTRIPAN na naman ni Vice Ganda ang boyfriend niyang si Ion Perez.

Sa kanyang latest YouTube vlog, ipinakita dito na slightly hurt ang “It’s Showtime” host dahil busy sa paglalaro ng “Call of Duty” si Ion at walang oras para sa kanya.

Vice asked him kung puwede silang gumawa ng bagong vlog para sa kanyang YouTube channel at nagtanong naman si Ion kung anong content ang gagawin nila.

“Bet mo ‘yung You Can’t Say No challenge?” tanong ni Vice Ganda kay Ion.

“Okay lang pero parang marami nang gumawa noon,” sagot sa kanya ng boyfriend.

“Eh, ‘yong Who’s Most Likely To challenge,” say uli ni Vice Ganda.

“Paulit-ulit na lang ‘yan. Mag-Call of Duty ka na lang, samahan mo ako,” say ni Ion.

“Alam mo ba, sabi sa research, ‘yung paglalaro ng games okay ‘yan. Pero kapag hindi mo na siya nakokontrol at hindi mo na siya kayang tapusin at hindi mo na siya kayang ipagpalit sa kung anuman, sintomas na ‘yun ng addiction. Anumang uri ng addiction ay masama,” say ni Vice.

“Masyado ka naman. Pampalipas oras addiction agad,” reaction ni Ion.

Nagtungo si Vice sa kusina para uminom ng juice. Muli siyang bumalik para isakatuparan ang kanyang balak. Kumuha siya ng gunting sa drawer sa kusina para gupitan si Ion.

Habang naglalaro si Ion ay tinanggal niya ang tali sa hair nito at biglang ginupit ang buhok ng dyowa. Nagulat si Ion pero hindi naman nagalit.

“Inip ka na ba? Tara, gupitan mo na ako. Ibibigay ko na ito,” say ni Ion.

Ayun, ginupitan talaga siya ni Vice. Maging ang guy na nagbi-video na napansing nilang mahaba ang buhok ay ginupitan din ng TV host.

Anyway,  excited si Vice sa “Gandemic: Vice Ganda, The VG-Tal Concert”. First time kasi niyang gumawa ng digital concert.

The concert will have two streaming, one on July 17, it’s 9 p.m., Manila time for local streaming and another one on July 18, 11 a.m., for worldwide streaming.

* * *

Sobrang happy ni Andrea Brillantes dahil sa kanyang bagong achievement sa social media.

Andrea posted a few photos on her Instagram account kung saan nakita siyang nagdidilig ng mga halaman with this caption, “Feeling so blessed this week can’t believe i just reached 3 Milly subs on YT and 12M here on ig and tiktok. thank you so much for the support ily all sm!!”

Nag-react ang fans ni Andrea sa post niyang iyon.

“Nagdidilig din ako ng halaman,pero di ako ganyan ka ganda.”

“Sobrang Ganda Mo Queen B. My gosh Ramona Anndrew Blythe Daguio Gorostiza!! You are so Gorgeous. You are Goddess.”

“Ang unfair di naman ako ganyan kaganda pag magdidilig ng halaman.”

Anyway, sa “Huwag Kang Mangamba” ay parang nagkakamabutihan na ang Mira character ni Andrea at ang Pio character ni Seth Fedelin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag Kang Magamba airs at 8:40 p.m. on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 and TV5 on free tv and digital box. It can also be seen on TFC, iWantTFC and WeTV iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending