Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal? | Bandera

Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal?

Ervin Santiago |May 10,2021
facebook
share this

Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal?

Ervin Santiago - May 10, 2021 - 11:23 AM

SA halip na ma-offend at mabwisit, tuwang-tuwa pa ang TV host-actress na si Jolina Magdangal sa patok na patok ngayong parody account sa social media na Jolegend Slaydangal.

Naging instant hit ito sa mga netizens dahil sa mga nakakaaliw at nakakatawang content kung saan si Jolina ang bumibida.

Sa nakaraang virtual mediacon ng  bagong comedy film niyang “Momshies Ang Soul Mo’y Akin” kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal, nagulat nga raw siya dahil bigla siyang naging trending topic sa social media nang dahil sa nasabing parody account.

“Natuwa nga ako kasi mukha ngang bigla silang nabuhayan ng mga dugo. Tapos, yung mga iba kong nakikita parang may mga millennial na dito, may generation Z na rito.

“Nagulat ako na, yung gulat na nandu’n sa positive side, nakakatuwa naman na na-appreciate nila,” chika ni Jolens.

Nagpasalamat pa nga siya sa taong nasa likod ng viral Facebook page gamit ang kanyang pangalan at photos kung saan makikita ang iba’t ibang paandar at pasabog ng content creator na siguradong fan din ni Jolina.

“Yung Jolegend Slaydangal, isa siyang kabataan, nu’ng gumawa ng account na yun na ang taba nung isip niya. Ang dami niyang naiisip.

“Minsan katawa-tawa na pero pumapatok siya. Sobrang thankful ako sa kaniya. Never akong na-offend. Sobra akong natuwa sa kaniya,” aniya pa.

Samantala, muli ring nabuhay ang 1999 novelty hit song ni Jolens na “Chuva Choo Choo” dahil sa upcoming movie nga nila nina Melai at Karla na “Momshies Ang Soul Mo’y Akin”.

“Yung Chuva Choo Choo, ito ang naging theme song ng movie kasi kinanta dito ni Jolene (karakter niya sa pelikula), kahit lumipat na siya sa karakter ni Ate Karla parang ito pa rin ang bonding song nila. Thankful ako na napili ito,” paliwanag ni Jolens.

Ang “Momshies Ang Soul Mo’y Akin” ay mapapanood na (through streaming) starting May 28 on KTX.ph, iWantTFC, Sky PPV, Cignal PPV and TFC IPTV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending