4 residenteng pumila sa community pantry ni Angel nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

4 residenteng pumila sa community pantry ni Angel nagpositibo sa COVID-19

Reggee Bonoan - April 29, 2021 - 12:06 PM

APAT sa mga dumalo sa pa-birthday community pantry ni Angel Locsin noong Biyernes, Abril 23, ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim ang mga ito sa libreng swab test.

Ayon sa report, kusang nagtungo sa testing center ng Quezon City ang apat na pumila sa pantry ni Angel matapos mabalitaan ang libreng swab test.

Matatandaang nanawagan ang local government unit ng Quezon City sa lahat ng mga residenteng dumalo sa itinayong community pantry ni Angel na magpa-swab test nang libre.

Ito’y dahil na rin sa pangambang lumobo muli ang kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos ngang hindi masunod ang social distancing sa pila na mga nais makakuha ng pagkain sa pantry ng aktres.

Ayon sa panawagan ng Quezon City Gov.PH, “To Residents and fans of Angel Locsin who went to the community pantry set up by the actress-philanthropist are invited by the Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) to avail of the city’s free swab testing service.”

Base sa pahayag ng CESU (City Epidemiology and Disease Surveillance) chief na si Dr. Rolando Cruz, tatlong tao ang asymptomatic sa mga na-test nila at ang isa ay nakaranas ng pananakit ng ulo, nawalan ng pang-amoy at panlasa.

“Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days,” saad ni Dr. Cruz.

At dahil sa nangyaring ito ay muling nanawagan si Dr. Cruz sa mga taong pumila sa pantry, lalo na ang mga residente ng Barangay Holy Spirit na i-avail ang libreng swab testing.

Maaaring magpa-appointment via https://bit.ly/QCfreetest mula Lunes hanggang Biyernes. Hindi pinapagayan ang walk-in kaya tumawag muna sa mga numerong 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737.

Nabanggit pa ng hepe ng CESU na nakakatanggap sila ng 950 swab requests kada araw at umabot na sa 600 ang natugunan nila.

Kung matatandaan, nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa itinayong community pantry ni Angel dahil na rin sa dami ng mga pumila rito. Isang senior citizen nga ang nasawi matapos himatayin sa pila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Agad namang inako ni Angel ang responsibilidad sa nangyaring insidente kasabay ng pangako na tutulungan niya ang naulilang pamilya ng pumanaw na matanda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending