Julia umamin kay Gerald, gusto nang magkapamilya: Next year! Bandera

Julia umamin kay Gerald, gusto nang magkapamilya: Next year!

Reggee Bonoan |April 22,2021
share this

Julia umamin kay Gerald, gusto nang magkapamilya: Next year!

Reggee Bonoan | April 22,2021 - 06:58 PM

HINDI pala kumakain si Julia Barretto ng street food kaya sa latest vlog ng boyfriend niyang si Gerald Anderson ay ito ang challenge sa kanya.

Base sa kuwento ng aktor sa kanyang YouTube channel, “May hinanda kaming mga food na hindi niya masyadong kinakain na medyo hindi pa siya na-expose do’n. May isaw, kwek kwek, may balun-balunan.”

Sabay tanong niya kay Julia, “Anong pinaka-excited ka sa tatlong ‘yan.”

“Wala! Ha-hahaha!” sagot ng aktres.

Pagpapatuloy ni Gerald, “May papaya, singkamas, mangga na hilaw, may dinuguan, mais na binatog at suman. At habang kumakain siya may mga questions tayo para sa kanya na ipinadala ng mga friends, nag-brainstorm ng mga questions for her.”

Papaya ang unang kinain ni Julia, “Let’s go easy to hardest.”

“Okay papaya na puwede mong isawsaw sa suka ‘yan at hindi siya kumakain ng suka pero sa akin, tinutungga ko ‘yan (yes like water sabi ng dalaga). Papaya with suka or no suka?” tanong ni Gerald sa kasintahan.

“No suka, actually never pa ako nagpapaya, sa soap lang and it’s good and it’s soft, easy to chew on,” sabi ni Julia habang nginunguya ang papaya.

Manggang hilaw naman ang sunod na kakainin ng dalaga, “Pero hindi ka puwede sa bagoong kasi allergy ka kaya dito ka sa toyo with sili dahil mahilig ka sa maanghang,” say ni Gerald.

Kinuha ng aktres ang manggang hilaw, sabay sawsaw sa toyong may sili, “I love toyo (nag-iba ang facial expression) I don’t know how I feel,” nakatawang sabi nito.

Kinuha ni Gerald ang natira at sabay kain, “Ahh, grabe (napapikit din sa asim at anghang)!”

“Okay phone in question, anong masasabi mo sa mga impromptu getaways ko?”

“The best, ‘yun nga ‘yung hinihintay ko lagi (yung biglang bukas aalis na tayo sabi ng aktor). Yes I like,” sagot ng dalaga.

May plano bang sabayan ni Julia si Gerald sa whole day workout nito once a week? “Of course. And you have the gym by yourself,” sambit ng aktres.

Paliwanag ng aktor, nalulungkot siya dahil kapah ECQ o MECQ ay walang nagwo-workout kaya hoping siya na babalik din sa normal ang lahat.

“Okay ito na, isaw (ang ganda ng ngiti ni Julia). Never ka pang kumain nito?” tanong ni ‘Ge.

“Never ever, only for you,” say ng dalaga.

Sabay muwestra ng binata kung paano nililinis ang isaw na may lumalabas daw kaya napapikit ang dalaga at nag-a-alangan nang kainin ito. Pero nang natikman na niya, “Actually parang barbecue. Parang pork barbeque lang.”

“Barbeque talaga ‘yan, grilled ‘yan,” paliwanag ng aktor.

What are the top three must haves on your make up kit? “Concealer, blush on and lip tint. Just ano lang simple make up,” say ni Julia.

Ano ang greatest lesson ng dalaga so far? “Keep going.”

What is your 5-10 year-plan? “Family (sabay tingin ni Julia sa boyfriend).”

Balik-tanong ni Gerald, “Saan doon sa 5 o sa 10 years?”

“Next year!” mabilis na sabi ng dalaga. At sabay nagkatawanan ang dalawa.

“Doon na lang sa 5 (years),” biglang kambyo ng aktres.

“Okay kainin mo ang kwek kwek,” sambit ng binata.

“Pero favorite ko ang fishball.  Meron nito sa school namin pero mas kinakain ko ang fish ball,” say ng dalaga at sabay kain, “Hmmm, (akala ni ‘Ge ay nasarapan), hindi ko type ang kwek kwek! Not good (for me),” say ni Julia.

Sa tanong na, handa ka bang iwan ang showbiz at mamuhay ng normal, “Anytime!” ang mabilis na sagot ng dalaga.

Nagtatakang tanong ng boyfriend niya, “Why?”

“Anytime,” diin ng dalaga.

“Talaga? Dahil?” balik-tanong ng aktor.

“I always dream of living simple quiet life and family life,” katwiran ni Julia.

Ang singkamas naman ang sumunod na kinain ni Julia, “Walang masyadong lasa no? Singkamas at tuyo, sigarilyas at (kinain ang salita), isaw, bataw patani.”

Tawang-tawa naman si Gerald pati na rin ang ibang kasama nila na nasa likod ng kamera sa kanta ni Julia.

Ang binatog na mais ang sunod na kinain nina Julia at Gerald na ayon sa una ay masarap pero mas gusto niya kung matamis ito dahil asin pala ang inihalo para magkalasa.

Next question, what is you favorite movie line? “Kailangan mo ba ako dahil mahal mo ako o mahal mo ako dahil kailangan mo ako (mula sa pelikulang Milan),” sabi ni Julia.

Ang kay Gerald naman, “’Show me the money (Jerry Maaguire).’ Hindi mo alam? Kayo kung napanood n’yo comment down below, (tinanong din ang mga kasama at wala ring nakasagot).”

Suman ang sunod na kakainin ni Julia na hindi pa rin niya natitikman sa buong buhay niya, “Haven’t tried suman in my life!”

Pagtatanggol ni Gerald sa katipan, “Hindi kasi siya masyadong exposed sa mga pagkain. Mahilig din siyang mag-amoy ng pagkain, pag hindi maganda ang amoy (ayaw niya).  Kaya nga nagpapahanap ako ng durian kaso walang mahanap.”

Nasarapan naman si Julia sa suman, “Para palang biko, favorite ko ‘yun, eh.”

Ang sunod na tanong, what is your ideal vacation with Gerald? “You know that, we always talk about that, road trip from one state to another,” say ni Julia. Tango naman nang tango ang aktor.

Marami pang revelations at kakainin si Julia at mas magandang panoorin na lang ang YT channel ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending