Richard matitikman ang ‘buhay-OFW’ sa bagong serye; Heart excited ibandera ang ganda ng Sorsogon
SIGURADONG mararamdaman na rin ng bagong Kapuso leading man na si Richard Yap ang nararanasan ng mga OFW kapag nalalayo sa pamilya para magtrabaho.
Naghahanda na ngayon ang aktor para sa lock-in taping ng kauna-unahan niyang teleserye sa GMA na “I Left My Heart in Sorsogon” kasama sina Heart Evangelista at Paolo Contis.
Sa Sorsogon kasi kukunan ang ilan sa highlights at malalaking eksena ng serye kaya ilang linggo rin silang kailangang manatili roon kasama ang buong produksyon.
Hindi ito ang unang beses na sasabak sa lock-in taping si Richard pero umamin siya na ito ang first time na malalayo siya sa kanyang pamilya dahil sa trabaho.
“This is going to be the first time that I’m going to be away from my family for a long time so I’m thinking about all the things that I need,” sabi ng aktor sa panayam ng GMA.
Na-experience ni Richard ang unang lock-in taping sa unang episode ng Kapuso mini series na “I Can See You” season 2 na “On My Way to You.”
“It’s kind of different, eh. The lock-in taping that we had was quite near. This one is going to be far because we’re going to be in Sorsogon,” sabi ni Richard.
Kaya bilang paghahanda, talagang iinisa-isa na niya ngayon ang mga dapat niyang dalhin para sa matagalang pagtatrabaho sa malayu-layong location.
“It would have to be my iPad because that’s where I usually work. That’s where I do my office work. The next thing I would bring is my workout essentials like a yoga mat and stretch bands and workout bands that I can use while on the road,” ani Richard.
Samantala, ngayon pa lang ay excited na sina Richard at Heart sa taping ng “I Left My Heart in Sorsogon”. Ayon sa Kapuso actress talagang ipakikita nila sa serye ang ganda ng Sorsogon kung saan nagsisilbing governor ang asawang si Chiz Escudero.
“I heard from the directors, there’s going to be a day na iikutin lang namin lahat, no TF (talent fee) involved. We’re just gonna keep filming the beautiful areas in Sorsogon para talang ma-showcase namin lahat,” kuwento ng fashion icon.
Dagdag pa niya, “‘Yung mga recently developed na mga lugar that Chiz worked on like the library, it’s so beautiful.
“Definitely, I feel that’s going to be in one of the scenes. Hopefully pati ‘yung coastal road. Madami, ‘yung mga beach, pili farms. Madami, so we’re very very excited,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.