YouTuber Camille Trinidad ibinuking ang pambababae ni Jayzam: Hindi ko kaya...sobrang bigat | Bandera

YouTuber Camille Trinidad ibinuking ang pambababae ni Jayzam: Hindi ko kaya…sobrang bigat

Ervin Santiago |April 18,2021
facebook
share this

YouTuber Camille Trinidad ibinuking ang pambababae ni Jayzam: Hindi ko kaya…sobrang bigat

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 03:15 PM

TRENDING at viral na ngayon ang pambubuking ng internet sensation na si Camille Trinidad sa pambababae umano ng dyowa niyang YouTuber din na si Jayzam Manabat.

Kumalat sa social media ang screenshots ng pakikipagpalitan ng mensahe ni Jayzam sa mga babaeng sinasabing dahilan ng away at pagkakalabuan nila ni Camille.

Sa kanyang social media account, nag-post si Camille ng kanyang saloobin hinggil sa issue, “Gusto ko na lang din magsalita. Kasi hindi matatahimik yung isip ko dahil sa sobrang sakit ng nangyare sa akin.”

Ngunit aniya, nasaktan man siya sa nangyari, ayaw naman daw niyang sayangin ang relasyon nila ni Jayzam.

“Sana next time bago niyo gawin isipin niyo muna ‘yung sakit na dadalhin ng tao, ‘yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin ‘yan.

“Pero mahal ko ‘yung tao at hindi ko sasayangin ‘yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat.

“Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait pa din sa akin ang Diyos kasi nalaman ko lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat” emosyonal na sabi pa ni Camille.

Samantala, nagbigay din si Jayzam ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook. Dito sinabi niya ang dahilan kung bakit inamin niya ang lahat kay Camille.

“Inamin ko na lahat kay Camille. Ayaw ko nang gumaya sa iba na mag tatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo, hinarap ko ng buo. Pasensiya na sa mga nadismaya sakin, naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po,” pag-amin ni Jayzam.

Pagpapatuloy pa niya, “Wala nang ibang mas iimportante sakin kundi ang pamilya namin at si Camille. Sinabi ko na lahat sa kanya, lahat po ng sinabi nya. Sa akin po mismo nanggaling ‘yun at inaamin ko po lahat ng iyon. Bilang lalaki.

“Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nag chachat saamin ngayon maraming salamat po. Sa pag kahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong andito para saamin at kung sinong totoo sa amin,” pahayag pa ng YouTuber.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Jayzam, hindi raw deserve ni Camille ang mga nangayari sa kanilang dalawa, “Mahal na mahal kita Camille. ‘Di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending