Anti-vaxxer na dad ni Angel, pumayag magpabakuna dahil sa isang kwento Bandera

Anti-vaxxer na dad ni Angel, pumayag magpabakuna dahil sa isang kwento

Reggee Bonoan |April 17,2021
share this

Anti-vaxxer na dad ni Angel, pumayag magpabakuna dahil sa isang kwento

Reggee Bonoan April 17,2021 - 04:07 PM


Edad 94 na ang Daddy Angel Colmenares ni Angel Locsin pero matikas pa at diretsong maglakad at kinakailangan lang niyang gumamit ng tungkod dahil nga matagal na siyang hindi nakakakita.

Nag-post ang kapatid ni Angel na si Ela Colmenares ng larawan ng kanilang ama habang binabakunahan.

Ang dami ng tawa namin sa caption ni Ela sa larawan ng ama, “Eh ‘yung na-stress kaya ako sa kapapaliwanag sa anti-vaxxer naming erpat? Kung kani-kanino kasing kulto nakikinig. Sa wakas, nakumbinsi ding magpabakuna! At least, tapos na sila ni mommy. Kami, pending approval pa.”

Dagdag pa, “Yung kelangan ko pang konsensyahin nang, “Dad, naalala mo nu’ng nagka-hepa ako? Kasi di mo ko pinabakunahan nu’ng bata pa ako. Ayan, hanggang ngayon may lamat ang atay ko.”

Akala namin ay biro lang ito ng kapatid ni Angel na kinunsensya ang ama, totoo pala dahil nakita si Ela na naniniwalaw na pala noong nag-aaral siya.

Balik-tanaw ni Sam Whosoever Pascual, “Hello po kwento ko lang may kilala akong tibak na tag UST HS noon. Na-inspire daw dyan maging tibak kasi nakita ka daw nya nagmass lead noon sa UST na naninilaw dahil nagka-hepa dun sa issue na maruming tubig daw noon sa Uste.”

Sagot ni Ela, “Good for your friend. Salamat sa kwentong ito. At least, may na-inspire kapalit ng atay ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

Abut-abot din ang pasalamat ni Angel na pumayag na ang ama nila na magpabakuna at pinost niya ang larawan ng ama sa kanyang Instagram account.

Ayon sa aktres, “The ‘anti-vaxxer’ finally cooperates. The mother and the father received their first dose of Covid vaccine today! (Biyernes, Abril 16).

“Good “jab” Salamat @ilovetaguigcity & Taguig health workers.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa halos 75k ang nag like kay daddy Angel at halos lahat ng kaibigang celebrities at production ng aktres ay nag-post ng emoji hearts at praying.

At ang sekreto ng ama nina Angel at Ela kung bakit malakas pa, “nage-exercise po araw-araw, nagpapa-araw at ingat sa mga kinakain niya,” sabi ng kapatid ng aktres.

Nabanggit pa more on fruits daw ang kinakain ni daddy Angel at higit sa lahat, hindi siya nag-uulam ng karne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending