Mikee, Kelvin magse-celebrate na ng anniversary: Sana tumagal tayo, bumilang tayo ng taon together! | Bandera

Mikee, Kelvin magse-celebrate na ng anniversary: Sana tumagal tayo, bumilang tayo ng taon together!

Ervin Santiago |April 14,2021
facebook
share this

Mikee, Kelvin magse-celebrate na ng anniversary: Sana tumagal tayo, bumilang tayo ng taon together!

Ervin Santiago - April 14, 2021 - 09:27 AM

 

PLANONG ipagdiwang ng Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang kanilang “first anniversary” kasabay ng sumpaan para mas tumagal pa ang #MiKel loveteam.

Pumatok ang tambalan nina Mikee at Kelvin sa kanilang first on-screen team up sa “The Lost Recipe” na nagtapos na nga kamakailan sa GTV. Marami nga ang nabitin sa kuwento ng serye kaya ang request nila, sana raw ay may season 2 na agad.

Sa panayam ng GMA, abot-langit ang pasasalamat ng dalawang bagets sa kanilang fans at social media supporters. Anila, looking forward din sila sa book 2 ng “The Lost Recipe” at mas marami pang projects together.

“Sobrang grateful po kami sa lahat ng suporta niyo. Thank you so much, and sana hindi kayo mapagod kasi umpisa pa lang ‘to. Sana tumagal tayo, bumilang tayo ng taon together,” pahayag ni Mikee.

Hirit naman ni Kelvin, “Bilang tayo together ha. Anong date ‘yan? Hindi, noong first meeting natin dapat ‘yung anniversary natin.”

Aniya pa, “Sa mga tagasuporta ng MiKel or ng bawat isa sa amin dyan, nagpapasalamat ako sa inyo. Taos-puso, lubos akong nagpapasalamat talaga dahil kung wala kayo, siyempre hindi rin naman magiging matagumpay ‘yung The Lost Recipe at hindi namin mapag-iigihan lalo ‘yung trabaho namin.

“Ibibigay namin ‘yung best namin pero may tendency na panghinaan kami ng loob, pero dahil nandyan kayo at ipinaparamdam n’yo ‘yung init ng pagmamahal n’yo sa amin.

“Mas lalo kaming ginaganahan, nagiging creative kung papaano namin kayo mapaliligaya, kung papaano namin maipapakita ‘yung mga damdamin, at kung paano kami magkukuwento as an actor.

“Maraming, maraming salamat sa suporta ninyo, sa pag-a-appreciate ninyo ng bawat detalye na ginagawa namin. Malaking puwang po sa puso namin [ang napuno n’yo], lalo na po sa akin. Kaya marami pong salamat and God bless you all!” dire-diretsong chika ng Kapuso matinee idol.

Samantala, masayang ibinalita ni Mikee na may pasorpresa silang vlog ni Kelvin para sa lahat ng MiKel supporters. Dito raw nila ikukuwento ang tungkol sa kanilang “anniversary”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan, inilabas na rin nina Mikee at Kelvin ang latest collaboration nila — ito ay ang kanilang duet para sa kantang “Two of a Kind” mula sa GMA Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending