Hans Montenegro payag magbalik-showbiz; inalala ang 'bangungot' ng COVID | Bandera

Hans Montenegro payag magbalik-showbiz; inalala ang ‘bangungot’ ng COVID

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 10:04 AM

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, payag naman ang actor-model at dating “Unang Hirit” host na si Hans Montenegro na magbalik-showbiz.

Matagal nang nasa corporate world si Hans at ito na ang naging mundo niya mula nang magkaroon siya ng sariling pamilya. Aniya, halos 20 years na rin siyang wala sa entertainment industry.

“Pinili ko na itong buhay na ito mula 2004, so 17 years na akong (nasa) corporate. Ito na ‘yung pinakamatagal kong commitment sa buong buhay ko,” pahayag ni Hans sa isang panayam.

Sa pakikipagchikahan naman niya kay Paolo Contis sa online talkshow na “Just In”, natanong si Hans kung posible pa ba siyang mapanood uli sa telebisyon bilang host o artista.

“Anytime. Ang sa akin lang, kung ang tanong ay willing ba ako, siyempre. Why not, ‘di ba?” sabi ng dating aktor at model na umaming nami-miss din niya ang buhay-showbiz.

“Kung dati nandoon ako sa punto na hindi ko alam ano ang ambisyon ko sa buhay kaya subukan ko na lang lahat. Ngayon medyo alam ko na kung ano talaga yung direksyon ng buhay ko, pero hindi pa rin mawawala yung, of course, I will do it,” paliwanag ni Hans.

Kung matatandaan, naging co-host siya sa morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit” mula 2000 hanggang 2003 (sa tulong na rin ng kaibigang si Paolo Bediones) hanggang sa umikot na nga ang mundo niya sa corporate industry.

Samantala, naibahagi rin ni Hans ang pinagdaanang pagsubok ng pamilya nila matapos tamaan ng COVID-19 ang kanyang misis last year.

“On March 16 last year, ‘yung first day ng talagang lockdown, tiningnan ako ni misis, sinabi niya sa akin ‘Nilalagnat ako, kailangan tayong pumunta ng hospital.’ Nagka-COVID ‘yung misis ko,” pagbabalik-tanaw niya.

Aniya pa kay Paolo, “Surreal pare, kasi dinala ko sa ospital, hindi ko nahatid, para akong taxi na ‘O bumaba ka na.’ Ang una kong inisip is ‘Kung magkahawaan tayo, sinong mag-aalaga sa mga bata?'”

Sa Subic daw nag-quarantine ang kanilang pamilya habang ginagamot ang misis niyang si Marilen. Sa condominium unit ng kaniyang inang nasa Spain daw nag-stay si misis.

“Super hirap kasi sinundo ko from the hospital, dinala ko roon sa condo. As in mag-isa siya roon hinahatiran lang namin ng pagkain. Tapos ‘yung iniiwan ‘yung pagkain sa labas ng pintuan tapos kakatok na lang.

“Si misis, nagpi-FaceTime kami gabi-gabi, umiiyak siya, hindi siya makahinga. Hindi ko naman puwedeng puntahan, takot na takot siya. Minsan na lang tatawag sa akin eh, ‘I can’t breathe, I can’t breathe.’ Kausapin mo muna ako, ayokong matulog. Dalawa kaming takot,” kuwento pa ni Hans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, dalawang buwan pa raw ang lumipas bago tuluyang gumaling ang wife niya,  “Mga 21 days siyang may COVID. It was a bad case.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending