Joaquin Domagoso pinagsasabay ang showbiz at pag-aaral: Napakahirap pero kinakaya | Bandera

Joaquin Domagoso pinagsasabay ang showbiz at pag-aaral: Napakahirap pero kinakaya

Ervin Santiago - April 09, 2021 - 09:13 AM

KAHIT napakahirap, kinakaya ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso na pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral.

Ito kasi ang isa sa ipinangako niya sa kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno nang pasukin niya ang mundo ng showbiz, ang gawing priority pa rin ang edukasyon.

Kaya naman talagang ginagawan ng paraan ni JD para mapagsabay ang pag-aaral at showbiz career at aminado siya na hindi talaga ito madali.

“It’s kind of hard kasi minsan same day ‘yung school ko and same day ‘yung parang workshop or work,” simulang pahayag ng ka-loveteam ni Cassy Legaspi sa Kapuso primetime series na “First Yaya.”

Patuloy pang kuwento ni Joaquin, “Thankful ako sa school ko na pinagbibigyan ako, binibigyan nila ako ng chance to work as an artist.

“Kinakaya ko naman po with school and other activities. Balance lang. Balance lang talaga ang kailangan kung gusto mong magtagumpay sa mga ginagawa mo. Time management,” aniya pa.

Naniniwala ang anak ni Yorme na kapag nagpursige at nagsipag ang isang tao ay maaabot talaga niya ang kanyang mga pangarap. “Kung gusto may paraan,” sey pa ng binata.

Sa isang panayam naman kay JD,  natanong kung ano sa tingin niya ang career niya kung hindi siya sumabak sa pag-aartista.

“Siguro maging direktor po. Pangarap ko pa rin kasi, siyempre, sa pinupuntahan ko ngayon puwede pa ‘yun maging direction of where I’m gonna move on towards after being an artist.

“Directing movies, I want to direct a sitcom one day. That’s my dream,” dagdag pa niyang chika

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending