Anak ni Jodi bina-bash ng netizens; niloko nga ba ang dyowa? | Bandera

Anak ni Jodi bina-bash ng netizens; niloko nga ba ang dyowa?

Reggee Bonoan |April 06,2021
facebook
share this

Anak ni Jodi bina-bash ng netizens; niloko nga ba ang dyowa?

Reggee Bonoan - April 06, 2021 - 05:22 PM

BINA-BASH ngayon ang anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy Lacson matapos paratangan ng ex-girlfriend niyang “kaliwete.”

Idinaan ng isang nagngangalang Vionna Serrano, ex-dyowa ni Thirdy sa TikTok ang pangangaliwa umano ng 15-taong-gulang na anak ng aktres.

May mga screenshots na ipinakita si Vionna na nagpapalitan ng mensahe sina Thirdy at ang kaibigan nito bukod pa sa video ng group conversation. Naringgan ang anak ni Jodi na naghahanap siya ng bagong girlfriend habang magkarelasyon pa sila.

At dahil dito ay kinondena ng netizens si Thirdy at dapat din siguro siyang bantayan mabuti ng kanyang mga magulang (Jodi at Pampi Lacson) dahil may sinabi rin ang binatilyo tungkol daw sa ibibigay sa kanyang babae ng tatay niya.

Anyway, isa ito sa topic na pinag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa YouTube channel ng kilalang talent manager at vlogger.

Ayon kay Ogie, “Ang parang pinatutungkulan dito ay si Pampi Lacson, kinokowt niya si Pampi, so hindi ko alam kung totoo ba ito Pampi?  Friend natin ‘yan si Pampi.  Totoo ba ito na ikaw ay binubuyo mo pa ‘yung anak mo na bibigyan mo siya ng babae?

“Siyempre, hinihintay naman nila kung ano ang magiging kasagutan ni Jodi.  Feeling ko nga baka hindi ito patulan ni Jodi katulad ng hindi niya pagpatol noon sa isyu ni Claudine (Barretto).

“Ang pagiging nanay na ang kinukuwestiyon dito ‘kung tama ang pagpapalaki ko kay Thirdy.’  Iyon na ang kuwestiyon kay Jodi ngayon.  Tapos bilang magulang din hindi naman para kuwestiyunin ko si Jodi ‘no?

“Sa TikTok kasi nadudukot ‘yung mga videos ni Thirdy. Sa mga hindi nagti-TikTok, sa mga nanonood lang paandaran kasi ‘yan, most creative.  Malay n’yo sa TikTok lang ganu’n si Thirdy hindi sa totoong buhay.

“Yung ganu’n conversation kasi hindi dapat nilalabas, bakit lumabas?

“Hindi sa ipinagtatanggol ko si Thirdy ‘no? Hintayin natin si Jodi kung paano niya isusuheto o kung paano niya pangangaralan ang kanyang anak dahil sa ganda naman ng outlook sa buhay ni Jodi, I’m sure i-extend niya iyon sa kanyang anak,” paliwanag ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay wala pang sagot ang pamilya Lacson tungkol dito. Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw nina Jodi, Pampi at Thirdy tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending