Gerald na-feel na kailangan nang ibandera ang relasyon kay Julia: Nabunutan ako ng tinik! Bandera

Gerald na-feel na kailangan nang ibandera ang relasyon kay Julia: Nabunutan ako ng tinik!

Ervin Santiago |April 06,2021
share this

Gerald na-feel na kailangan nang ibandera ang relasyon kay Julia: Nabunutan ako ng tinik!

Ervin Santiago | April 06,2021 - 10:11 AM

MAS panatag na ang isip at puso ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson ngayong lantad na ang relasyon nila ni Julia Barretto.

Wala na raw kasi siyang nararamdamang bigat sa kanyang dibdib at clear na clear na rin ang takbo ng kanyang isipan dahil wala na silang itinatago ng kanyang girlfriend sa madlang pipol.

Sa katunayan, muli nilang ibinandera ang kanilang kaligayahan at pagmamahal sa isa’t isa nitong nagdaang Easter Sunday, kung saan nakasama pa nila ang celebrity couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Init Sa Magdamag” natanong si Gerald kung ano ang feeling niya ngayong alam na ng buong mundo ang tungkol sa kanila ni Julia.

“Personally, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko nang gawin for peace of mind. Nabunutan ako ng tinik,” pahayag ng hunk actor.

“After that, wala, tuloy lang ang buhay. Merong mas malalaking problema na hinaharap natin lahat kaysa ‘yung interview ko kay Tito Boy. Personally, it’s something na I had to do. Move on na,” dagdag pang sabi ni Gerald.

Samantala, mag-aalab ang telebisyon gabi-gabi sa isang kwento ng agawan ng puso sa pinakaaabangan at bagong serye ng ABS-CBN Star Creatives na “Init Sa Magdamag,” na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakamaiinit na bituin ngayon na sina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman at mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 simula Abril 19 (Lunes).

Pinag-usapan sa social media at tumabo na ng higit 12 milyon views ang trailer nito sa YouTube sa loob ng 13 araw mula noong inupload ito.

Gaganap sina Yam at JM bilang sina Rita at Peterson, ang mag-asawang sinusubok ang relasyon dahil nahihirapan silang magka-anak. Nabaog si Peterson dahil sa isang aksidente na kinasangkutan ilang taon na ang nakalipas.

Naniniwala si Rita na may pag-asa pa na maisalba ang kanilang pagmamahalan kung susubukan nila ang in vitro fertilization. Labag man ito sa kagustuhan ng nga magulang ni Peterson at sa paniniwala ng kanilang baryo, makikipagsapalaran ang mag-asawa.

Ngunit para kay Peterson, mas madali ang kanyang naisip na solusyon—ang kunin si Tupe, isang doktor sa baryo, na ginagampanan ni Gerald, para maging sperm donor. Lingid sa kaalaman ni Peterson, dating magkasintahan sina Rita at Tupe.

Hanggang kailan itatago ni Rita ang kanilang naging relasyon ni Tupe? Ano ang mangyayari kapag mabuhay ang dating pagmamahalan nina Rita at Tupe?

Ang “Init Sa Magdamag” ay sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at sa direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ang pilot episode ng bagong serye mula sa Star Creatives simula Abril 17 sa iWantTFC app at TFC website, at sa WeTV iflix.

Mapapanood naman ito simula Abril 19 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending