Cassy manang-mana kay Carmina sa iyakan; Mikee-Kelvin fans atat na sa 'The Lost Recipe 2' | Bandera

Cassy manang-mana kay Carmina sa iyakan; Mikee-Kelvin fans atat na sa ‘The Lost Recipe 2’

Ervin Santiago |April 06,2021
facebook
share this

Cassy manang-mana kay Carmina sa iyakan; Mikee-Kelvin fans atat na sa ‘The Lost Recipe 2’

Ervin Santiago - April 06, 2021 - 09:15 AM

“HOPIA” (read: hoping, asa) para sa  book 2 ang avid viewers ng “The Lost Recipe” matapos ngang umere ang finale episode nito last Wednesday sa GTV.

Abangers na ang mga fans at Kapuso viewers sa pagpapatuloy ng kuwento ng hit primetime series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

At kahit pa may special episodes na ipinalabas sa GTV during the Holy Week, wish talaga ng mga manonood na maipagpatuloy ang kilig sa pagitan ng mga karakter nina Harvey (Kelvin) at Apple (Mikee).

Ang “The Lost Recipe” cast, feel ba feel na rin ang sepanx o separation anxiety. Tulad daw ng viewers, mami-miss din nila ang kanilang karakter at ang bonding na nabuo sa pagitan ng bawat isa.

Pero ang viewers, ready na raw sa sequel ng “The Lost Recipe” na gabi-gabi nilang tinutukan mula nang umere ito nitong Enero.

Ibang level naman kasi ang storytelling at pagkakagawa ng fantasy romance series na ito ng GMA Public Affairs—na talagang lumikha ng ika nga’y sarili nitong lugar sa telebisyon.

Refreshing at talagang hindi nakakasawang panuorin. Magagaling din ang mga artistang nakasama sa cast at dahil sa kanila, mas naging effective ang kuwento.

Kaya wait na lang kayo kung magkakaroon nga ba ng part 2 ang love story at super yummy na kuwento ng “The Lost Recipe.”

* * *

Pinusuan ng netizens ang husay ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa top-rating Kapuso primetime series na “First Yaya.”

Hindi kasi halata na unang sabak pa lang ito ng Kapuso actress sa larangan ng pag-arte. Sabi nga ng ilang manonood, manang-mana ang dalaga sa kanyang inang si Carmina Villaroel pagdating sa pagdadrama.

Post nga ng netizen na si Sheee Yaaa, “Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.”

Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

Komento naman ni @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba’t mo ‘ko pinayak!”

Nadala rin si @Belaaaaaaa sa emosyon ng karakter ni Cassy, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Sigurado namang proud nanay at tatay ngayon sina Carmina at Zoren Legaspi dahil sa natatanggap na positive comments ng kanilang anak.

Maliban sa kanyang husay sa drama, marami rin ang nakatutok sa nakakakilig na mga eksena ni Cassy at ng kanyang partner sa serye na si Joaquin Domagoso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “First Yaya” gabi-gabi sa GMA, GTV at Heart of Asia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending