Jak, Arra, Ashley game na game nang magpaturok ng anti-COVID vaccine | Bandera

Jak, Arra, Ashley game na game nang magpaturok ng anti-COVID vaccine

Ervin Santiago |April 05,2021
facebook
share this

Jak, Arra, Ashley game na game nang magpaturok ng anti-COVID vaccine

Ervin Santiago - April 05, 2021 - 12:12 PM

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, game na game na raw magpaturok ng anti-COVID vaccine ang tatlong bida ng “My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl” stars na sina Arra San Agustin, Jak Roberto at Ashley Ortega.

Nang dahil sa biglang pagtaas muli ng mga COVID-19 cases sa bansa, lalo na sa Metro Manila, in-extend na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at ilang probinsya.

At dahil nga rito, nanawagan ang ilang kilalang celebrities na sana’y madaliin na ng mga opisyal ng pamahalaan ang proseso nang pagbabakuna sa bansa para mas mapanatag na ang kalooban ng publiko.

At kabilang na nga sa mga handang magbakuna kontra COVID-19 sina Jak, Arra at Ashley. Bukod diyan,  hinihikayat din nila ang kani-kanilang pamilya at mga kaibigan na magtiwala sa bisa ng vaccine na darating sa Pilipinas.

“Lalo na po ngayon tumataas na naman nang tumataas. Actually, kahit pamilya ko ine-encourage ko po sila na magpaturok ng vaccine,” sey ni Arra sa panayam ng GMA.

Sabi naman ni Ashley, “Game na rin po ako magpaturok ng vaccine kasi baka magka-COVID pa ako.”

Pahayag ni Jak, “If ever na magkaroon na ng vaccine, for me okey po ako du’n.”

Samantala, napapanood nga ang tatlong Kapuso stars sa ikalimang installment ng romance-fantasy series na “My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl” sa GTV.

Ang “Trophy Girl” ay tungkol sa buhay pag-ibig ni Baste, isang struggling sculptor na nasa moving on stage matapos siyang iwan ng girlfriend of seven years niyang si Cassie.

Para ilayo ang atensyon sa sakit ng breakup, itinuon ni Baste ang kanyang oras sa kanyang sining, ang paglililok o sculpture.

Ang obra niya ay isang tropeo na anyong babae. Dahil gandang-ganda siya sa nilikha, pinangalanan niya itong Mariquit.

Dala na rin ng nararamdamang kalungkutan, hiniling ni Baste na sana magkabuhay ang obra niya at maging katuwang sa buhay. Hindi akalain ni Baste na didinggin ang kanyang hiling nang makitang mabigyan ng buhay si Mariquit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mabubuo bang pagtitinginan sa dalawa? Paano kung biglang magbalik si Cassie? Sino ang pipiliin ni Baste? Tutukan ang “Trophy Girl” sa Sabado, April 10, 7:45 p.m., sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending