Fans nina Mikee at Kelvin humihirit agad ng 'Lost Recipe' book 2; 'Magkaagaw' pasabog ang ending | Bandera

Fans nina Mikee at Kelvin humihirit agad ng ‘Lost Recipe’ book 2; ‘Magkaagaw’ pasabog ang ending

Ervin Santiago |March 31,2021
facebook
share this

Fans nina Mikee at Kelvin humihirit agad ng ‘Lost Recipe’ book 2; ‘Magkaagaw’ pasabog ang ending

Ervin Santiago - March 31, 2021 - 09:43 AM

NGAYONG gabi na (March 31) ang pinakaaabangang finale ng “The Lost Recipe” at tulad ng avid fans ng hit GTV series ay tila hindi rin agad-agad makaka-move on ang cast members nito.

Kung bibigyan nga raw ng chance, gusto pa ng lead actress sa serye na si Mikee Quintos na pahabain pa ang moments nina Apple at Harvey.

Ito rin naman kasi ang hiling ng team MiKel or ang fans nina Mikee at Kelvin Miranda. At halos lahat sila ay humihirit na agad ng Book 2.

“Gusto ko mabigay sa fans na mas matagal naman ang happy moments nina Harvey at Apple. Kasi iba-iba ang timelines, so sana mas humaba pa,” pahayag ng Kapuso young actress.

Kuwento pa ni Mikee, palagi niyang binabasa ang mga feedback ng viewers, pati na ang iba’t ibang theories sa posibleng maging twists mula sa exciting na storyline dahil na rin sa element ng time travel.

Kaya huwag palalampasin ang finale ng “The Lost Recipe,” 8:50 p.m. sa GTV at sa digital channel na Heart of Asia.

Ngayong Holy Week, balikan naman ang mga favorite episode ng serye mula Holy Thursday hanggang Black Saturday pagkatapos ng “24 Oras” simulcast sa GTV.

* * *

Tiyak na kaabang-abang din ang huling episode ng top-rating GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw” ngayong hapon.

Kuwento ng lead star ng serye na si Klea Pineda, “Kailangan nilang abangan kung ano ang mangyayari sa pamilya nina Clarisse (Klea) at Jio (Jeric Gonzales), kung paano nila babaguhin ang mga sarili nila, kung papatawarin nga ba agad ni Clarisse si Jio pagkatapos ng lahat ng nangyari o tuluyan na nga bang mawawasak ang kanilang pamilya.”

Samantala, nagpapasalamat naman si Jeric sa lahat ng mga sumuporta sa “Magkaagaw”. Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta. Para po sa inyo ang lahat ng pinaghirapan namin. Salamat po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang pagtatapos ng “Magkaagaw” ngayong Miyerkules, pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending